Zoren Legaspi on negotiation with big networks regarding Carmina's next project: "Kung sino na lang ang mauna..."

Trisha Alvarez
Monday, January 11, 2010 @ 12:10PM  |  93 views


Carmina Villarroel's rumored transfer to ABS-CBN started a few months ago. A source told PEP (Philippine Entertainment Portal) that her friendship with SiS co-host Gelli de Belen was one of the reasons why it didn't materialize.   Fast forward to December 2009, Zoren Legaspi (in photo)—the dad of Carmina's kids—admitted that negotiations are underway and both offers seem lucrative. But there's no decision yet. "Napakahirap," he said.

Photo By: Noel Orsal













Laking pasasalamat ni Zoren Legaspi kay Mother Lily Monteverde dahil dalawa ang regalo niya mula sa big boss ng Regal Films ngayong Pasko.

 

Una, ang partisipasyon niya sa Shake, Rattle & Roll XI, kung saan gaganap siya bilang asawa ng dating kasintahan na si Ruffa Gutierrez. Pangalawa, kasama rin siya sa Mano Po 6 bilang asawa ni Kris Aquino. Parehong official entry sa 2009 Metro Manila Film Festival ang dalawang pelikula.

 

"Matagal din na wala akong pelikula na ginawa kaya blessing sa akin this Christmas na kinuha ako ni Mother [Lily], at nakagawa ako ng movie sa kanya—hindi lang isa, dalawa pa," masayang bungad ni Zoren sa presscon ng Mano Po 6 na naganap kagabi, ika-15 ng Disyembre, sa Imperial Palace Suites.

 

Anu-ano pa nga ba ang mga ipinagdasal niya sa taong ito?

 

"Ano lang...nagpapasalamat lang ako sa buong taon na  walang naaksidente sa amin, nakakakain kami three times a day, minsan four times  pa nga, e. Kaya yun, medyo blessed kami for the past ano, e...Basta simula nung pumasok yung kambal, wala akong naging problema sa sarili ko, ganun din si Carmina [Villarroel, mom of his twins.] Kaya mapapansin ninyo na wala kaming kaintri-intriga...Happy lang kami to be together," nakangiting pahayag ng aktor.

 

CARMINA GOING BACK TO ABS-CBN? Kasabay ng pagpo-promote ni Zoren para sa dalawang entries niya sa napipintong MMFF, nabanggit ang balitang pagbabalik ni Carmina sa ABS-CBN.

 

"Ano kasi 'yan, e. May mga offer kasi both sides [networks]. Isa itong pagpapatunay na meron pa silang nakikita kay Carmina. That's maybe the reason kung bakit may offer left and right.

 

"Pero pinag-iisipan kasi 'yan, e. Hindi lang basta pera. Kung saan ka siyempre masaya, kung saan ka komportable, ayun...kung alin ang mas makakabuti," paliwanag ng 37-year-old actor.

 

Nang usisain namin kung napag-usapan na ba nila ito ni Mina (palayaw ni Carmina), aniya, "Ako rin naman ang nagde-decide, e."

 

Siya na ba ang bagong manager ni Carmina?

 

Ang sagot ni Zoren, "Hindi, si Tita Dolor [Guevarra] ang manager niya. Pero at the end of the day....Hindi muna sa akin, si Tita Dolor muna, well, final opinion...Ako yung pinaka-final opinion with regard to any matter, kahit commercial niya. Ako pa rin ang final say.... But marunong naman si Tita Dolor, normally, kung ano ang desisyon ni Tita Dolor nag-se-second the motion ako kasi may nakikita akong tama naman."

 

May balita rin na hanggang December 31 na lang daw ang morning show ni Carmina with Gelli de Belen and Janice de Belen, ang SiS.

 

"Well, it's ano...It's still a rumor," ang mabilis nitong sabi. Dugtong niya, "It's still a rumor, kasi ang SiS, marami nang na-knock out, e.  They're there for seven years."

 

Napag-uusapan daw ang pagkawala nito sa ere, pero "it's a still a rumor kasi, hindi pa guaranteed na wala. Wala naman, e..."

 

Kung rumor lang iyon, paano ito nagsimula?

 

1  2  3  Next »

Related Articles

108 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name