Base sa latest official box-office gross ng mga pelikulang kalahok sa 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF), nangunguna na ulit ang Ang Panday at sinusundan ng Ang Darling Kong Aswang. Nasa ikatlong puwesto na ang I Love You, Goodbye, pang-apat ang Shake, Rattle & Roll XI, panlima ang Mano Po 6, pang-anim ang Nobody, Nobody But Juan, at panghuli ang Wapakman.
Kaugnay nito, umupo sa "Intriga Crossfire" segment ng Showbiz Central ang bida at co-producer ng Ang Panday na si Sen. Bong Revilla kasama ang misis nitong si Lani Mercado.
Totoo bang plano nilang gumawa ng sequel ng Ang Panday dahil sa malaking tagumpay nito sa takilya?
"Well, we're planning to do another Panday dahil nga sa turnout ng box-office ngayon at marami na ang humihiling for the Part 2," sagot ni Bong sa tanong sa kanya ni Raymond Gutierrez. "So, we might. Actually, pinag-uusapan na natin. Hindi pa lang natin naisasara lahat. So, abangan na lang natin sa December 25 [2010] kung meron. Pero siyempre, kapag gumawa tayo, we have to surpass yung first one, yun ang challenge sa amin."
Naging vocal naman si Lani na gusto niya si Iza Calzado bilang leading lady ni Bong. Ano ang mga nakita niya kay Iza na wala sa ibang leading ladies ni Bong noon?
"Ay, huwag namang i-compare si Iza sa iba," iwas ni Lani. "Well, siguro ang masasabi ko kay Iza... I've worked with her. I played as her mom in Kaya Kong Abutin ang Langit at noon pa man, alam ko na pinaplano siya ng Imus Productions na kuhanin siya, kaya lang, hindi nagkakatugma ang mga schedules niya. She's very busy also. So, finally, kinuha ng Imus Productions for Panday."
Tinanong naman ni John "Sweet" Lapus si Bong kung ano ang pakiramdam na manalong Best Actor sa MMFF Awards Night?
"Cloud nine!" bulalas ng actor-politician. "Up to now hindi pa rin ako makapaniwala. Actually, this is my third Best Actor award. Isa yung sa television [for Idol Ko Si Kap], isa yung sa FAMAS, at 'eto yung sa MMFF. Talagang makapanindig-balahibo at hindi ko na maintindihan kung ano ang pakiramdam ko habang tinatanggap ko ang award. Kaya isang malaking karangalan para sa akin yun."
Bukod sa Best Actor award, ay humakot pa ng anim na trophies ang Ang Panday sa MMFF Awards Night, kabilang na ang Best Picture.
BONG & LANI'S GRANDSON. Tanong naman ni Sweet kay Lani, totoo nga bang sa kanila nag-Pasko at nag-New Year ang apo nilang si Gab? Si Gab ay anak ni Jolo Revilla sa dating kasintahan nitong si Grace Adriano, na anak naman ng aktres na si Rosanna Roces.
"Kay Grace siya nag-Pasko. Tapos itong pagpasok ng 2010, sa amin naman siya nag-New Year," sagot ni Lani.
Sabi ni Sweet, napansin daw niyang simula yata nang ipinanganak si Gabay "inaaway" sila ni Rosanna. Ano ang gusto nilang mangyari para matapos na ang ganitong isyu? Parang ang sagwa naman daw yata na binata na si Gab ay tinatalakan pa rin sila ni Osang?
Ayon kay Bong, "Alam niyo, para sa akin, bagong taon na, kalimutan na natin ang nakaraan. Isipin na lang natin kung ano ang maganda. At kung ano ang maibibigay nating magandang kinabukasan para sa bata. Walang dapat pagtalunan. Isa lang naman ang hangarin natin, mabigyan ng magandang kinabukasan."
Meron na ba silang settlement o arrangement pagdating kay Gab?
Si Lani naman ang sumagot sa puntong ito. Aniya, "Mas mabuti siguro kung ang mga magulang ni Gab ang magsasabi nito. Hindi kasi under jurisdiction namin ang bata. Kami kasi ay mga grandparents na at ang nagdedesisyon para kay Gab ay sina Jolo at Grace."







goodluck and more power.
tama ka dyan election is coming kaya kailangan maglabing labing
Sino nman kc my sabi syo na basahin mo at takenote nakapagcomment kpa ng lagay na yan nakakaduwal kamo!
=O
CONGRATULATIONS SA LAHAT NG ARTISTA AT CREW NG PANDAY!!!GOOD JOB