Dugtong naman ni Bong, "Ang sa amin, kung anuman ang samaan ng loob, gusto namin matapos na. Kasi, wala namang dapat pagtalunan."
THROUGH THE YEARS. Tanong naman ni Rufa Mae Quinto kay Lani ay kung kailan siya huling na-touch kay Bong dahil sa magandang ginawa nito para sa kanya?
"Noong nakaraang birthday ko last year," sagot ni Lani. "Sinorpresa niya ako na hindi ko inaasahan. Kasi alam ko, busy na ako noon ng mga panahon na yun sa pagtulong, sa pag-ikot, sa pagtulong sa brother-in-law ko sa Bacoor, kay Mayor Strike [Revilla]. So, yun. All of a sudden, may sorpresa pala siya."
Si Bong naman?
"Araw-araw sa buhay ko, sinusorpresa niya ako ng pagmamahal," aniya. "Wala na tayong mahihiling pa. Very supportive siya sa akin when it comes to politics, showbiz career... wala akong masabi."
Tanong naman ni Pia Guanio kung ano ang kinukunsidera nilang pinakamalaking pagsubok sa kanilang samahan?
Sabi ni Lani, "Alam niyo kasi, sa dami na ng dumaan, hindi ko na alam kung ano ang darating pa. Tama na siguro. Ang wish or blessing na maibibigay ng Diyos sa ay tumahimik at huwag maintriga ngayong 2010. At talagang puspusan ang support at pagmamahal ng mga tao sa buhay namin, ganun na lang siguro."
Ayon naman kay Bong, "Alam niyo, ang buhay ng artista, punong-puno ng intriga. Kapag hindi ka na pinag-uusapan, ibig sabihin, corny ka na... Kakabit na ng intriga ang showbiz."
Ano ang advice na maibibigay nila sa ibang showbiz couples?
Lani: "Huwag makikinig sa ibang tao. Ang pakinggan niyo, yung kayong dalawa lang. Kasi, at the end of the day, kayong dalawa ang magkakasama at hindi yung mga taong nakapaligid sa inyo. Kumbaga, communication at yun nga, huwag makikinig sa ibang tao and, of course, magdasal."
Bong: "Sa akin, sa dami ng mga intrigang dumating, left and right, kita niyo, yung samahan namin, talagang hindi matinag. Kasi, alam naman ng bawat isa sa amin yung limitasyon na hindi kayang lagpasan. Basta ang importante, nagmamahalan kayo at alam niyo kung ano ang tama at kung ano ang dapat gawin."
Dugtong pa ni Lani, "At dapat alam mo kung ano ang dapat ipaglaban mo at kung ano ang hindi mo dapat ipaglaban."
"Malalim yun!" hirit ni Bong habang tumatawa.
Ano naman ang mensahe nila para sa isa't isa?
Lani: "I want to congratulate you, Papa, for all the blessing that you have received. You're very blessed. At alam ko, you shared all your blessing to a lot of people, sa pinakamalaki at hanggang sa pinakamaliit na taong kakilala mo. Ang message ko para sa 'yo, pagbutihin mo and also, please find time to rest. Kasi alam ko kapag nai-stress siya, nai-stress din ako. Kapag nai-stress ako, nai-stress din siya. So, please find time to rest and take a breather. Relax and enjoy life."







goodluck and more power.
tama ka dyan election is coming kaya kailangan maglabing labing
Sino nman kc my sabi syo na basahin mo at takenote nakapagcomment kpa ng lagay na yan nakakaduwal kamo!
=O
CONGRATULATIONS SA LAHAT NG ARTISTA AT CREW NG PANDAY!!!GOOD JOB