Dingdong Dantes has yet to complete replicas of Marian Rivera's TV characters

Rose Garcia
Thursday, January 14, 2010 @ 07:12PM  |  3378 views


  Dingdong Dantes admitted that, most of the time, he was with rumored girlfriend Marian Rivera during the holiday season. "Well, noong araw ng Pasko, may time na pumunta ako sa kanila at pumunta rin siya sa amin noong kalagitnaan ng Christmas at New Year. Yun lang, konting bakasyon," he said.

Photo By: Nerisa Almo













During the pocket press conference para sa Book Run ng Yes Pinoy Foundation last Tuesday, January 12, hindi pa rin maiwasang tanungin ang aktor sa mga naging aktibidades niya noong nakaraang holiday season. At kakambal na tanong sa kanya ay ang naging bonding time nila ng rumored girlfriend niyang si Marian Rivera.

Aminado naman si Dingdong na sa mga panahon na yun, madalas na si Marian ang nakasama niya.

"Well, noong araw ng Pasko, may time na pumunta ako sa kanila at pumunta rin siya sa amin noong kalagitnaan ng Christmas at New Year. Yun lang, konting bakasyon," sabi ni Dingdong.

Inamin din ng aktor na naibigay na niya kay Marian ang Christmas gift niya rito na replica ng characters na ginampanan nito sa iba't ibang primetime series ng GMA-7. Pero hindi pa raw niya naibibigay lahat.

"Naibigay ko na. Pero isa pa lang dahil apat yun. Yung Darna pa lang. Yung tatlo, ginagawa na siya," nakangiting sabi ni Dingdong.

Bukod sa Darna, ang tatlo pang replica na ipinapagawa ni Dingdong ay ang mga role ni Marian sa Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang (Proserfina).

Ano ang naging reaction ni Marian nang makita ang ipinagawa niya?

"Parang ang laki ng mata!" natatawang kuwento ni Dingdong. "Pero totoo naman, ina-adjust pa. Pero sa unang tingin, talagang kamukhang-kamukha. Mahirap lang ma-perfect ang one-fourth scale model na statue. Pero ngayon, nasa bahay ko pa. Kasi yung ipinagawang glass na patungan, hindi pa tapos. Pero pag gawa na siya, ililipat na dun sa bahay niya [Marian]."

What about Marian, ano naman ang naging Christmas gift sa kanya nito?

"Isang magandang necklace," nakangiti niyang sabi.

Yun ba ang talagang gusto niyang matanggap?

"Ako naman, kahit ano, wala naman akong... hindi naman ako mapili sa ganyan. Kahit lutuan mo lang ako ng adobo, okey na ako," sabi ni Dingdong.

As early as now, marami na ang nae-excite at nag-aabang sa pagbabalik-tambalan nina Dingdong at Marian sa telebisyon. Ito ay magaganap sa Pinoy remake ng Koreanovela na Endless Love. Maging si Dingdong ay looking forward na rin daw sa mga pagsasamahan nilang projects ni Marian ngayong taon.

"Very warm, e. Alam na rin siguro ng mga manonood how successful it went sa previous run ng Endless Love, much more na mga Pinoy ang magsasadula. Pero ako, personally, parang fresh. Hindi ko rin napanood yung Stairway to Heaven, so hindi ko rin napanood yung original [Endless Love]," sabi niya.

1  

Related Articles
1 2

176 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name