"Wala naman akong show na palabas that time, kaya wala namang naging problema," aniya.
Sinagot din ni Eula ang isyung siya ang bumubuhay kay Rocky financially.
"Hindi. Iyon lang ang iniiisip ng mga taong hindi naman namin kasama 24 hours a day."
May ikinabubuhay naman daw si Rocky na isang international model.
"Nabubuhay pa siya hanggang ngayon. Yun lang yun. Oo, nabubuhay pa siya. At kaya niya kaming buhayin ng mga anak ko."
BAYANI AGBAYANI. Iisa ang manager nina Eula at Bayani Agbayani noon, si Cornelia Lee o mas kilala bilang si Tita Angge. Kaya hiningan namin siya ng reaksiyon sa paglipat ni Bayani sa GMA-7 mula sa ABS-CBN at pagpapalit ng manager. Si Noel Ferrer na ang nagpapatakbo ng career ni Bayani ngayon at si Eula naman ay mina-manage na ni Ricky Gallardo.
"Alam mo, nalungkot ako," sabi ni Eula. "Wine-welcome natin si Bayani sa GMA, pero siyempre nalungkot ako para kay Tita A. I'm sure malungkot siya dahil paborito niya si Bayani. Dyusko, kapag hindi ko mahagilap or makausap si Tita A, sino ba kasama niya? Si Bayani! Nag-a-abroad sila, as in talagang paborito niya. Alam kong mga paborito ni Tita A si Sylvia [Sanchez], si Smokey [Manaloto], at si Bayani... sila ang mga paborito niya."
Nagulat daw si Eula sa paglipat ni Bayani sa GMA-7.
"Kasi kailan ko lang nalaman yun, e. I'm sure na-hurt si Tita A. Yun ang sigurado ako. I'm sure na-hurt din siya nung umalis ako."
December 2008 nang umalis si Eula kay Tita Angge bilang talent.
"Pero sinulatan ko siya, na ayokong... na walang kinalaman yung pagkakaibigan namin sa professional na decision ko. So, bago pa umabot sa... Bago pa maging tainted ang relasyon namin dahil hindi kami magkasundo sa propesyon namin ay maging magkaibigan na lang kami. Iyon ang isinulat ko sa kanya.
"Pero yung kay Bayani, wala akong alam na... Alam mo yun, yung detalyado, kung ano'ng nangyari, ganyan-ganyan. Pero ganyan talaga, di ba? Ganyan talaga ang trabaho, lahat nangangailangan ng trabaho. I'm sure si Bayani din, ang tagal niyang walang project sa kabila [ABS-CBN], di ba? E, may pamilya rin si Bayani. Naiintindihan ko din siya, naiintindihan ko sila pareho," saad ni Eula.







Ang may pagkukulang diyan eh ang moderator kasi ang bagal-bagal mag-delete ng inappropriate posts.
Iyong iba naman, ganoon kasi talaga ang paningin nila eh. They say it the way they see it.
ANONG PAKIALAM MO SA POST KO AT SA PAGIGING BANAL KO.
kaya eula,go girl gawin mo ang alam mong tama,maiintindihan ka ng mga anak mo,mabait at mapagmahal kang ina,tyak na kung saan ka magiging masaya doon din sila..
yung sinasabi nyong anak na lang ang dapat nyang pagtuunan ng pansin,tulad ng ginawa mo,dahil sa mararamdaman ng bata,okay sa ngayon masaya dahil magkasama pa kayo,naisip mo ba na paglaki nya,gagawa sya ng sariling pamilya,aalis sa poder mo,maiiwan kang magisa...kayanin mo kayang tumanda ng magisa,na maging malungkot buhay mo dahil walang kas
sana lang maging sensitibo tayo kahit konti lang, dahil artista man ang mga yan sanay man sila sa mga negative feedback, tao din sila na may pakiramdam.
Saka ang napapansin ko kase yung iba dito below the belt na ang mga banat nila, nakakasira na ng reputasyon at dignidad ng isang tao. Kumbaga hindi naman kelangan umabot sa ganun kagrabeng paratang ang ibigay e, kung ayaw nila sa tao or sa ginawa nung tao pwede mo naman sabihin in a nice way e.
Una, alam ba nila bakit papalit palit ng asawa ung tao, hindi natin alam kung anong nangyayari sa kanila sa loob ng bahay nila? Pangalawa tama ka hindi mo naman masasabi kung bata or matanda sayo ang mamahalin mo, Pangatlo hindi naman masamang maging masaya kung wala ka nmang tinatapakang tao or sinisirang pamilya di ba?
At hindi ko sila pinipigilan kung taliwas ang opinyon ng iba dito or taliwas sa paniniwala ko, ang sinasabi ko lang yung ibang tao dito basta lang nagkokomento kahit walang basehan, mga taong namimintas, nanlalait, nanghuhusga ng walang pak
sinasabi ko lang sa punto ng pag-ibig kung pag-ibig man yan, walang sinumang pwedeng manguestyon kazi when it comes to the matter of heart e marami tlgang nahihirapang kontrolin yan...
Lahat ng tao may karapatang sumaya, hindi nyo sila masisisi kung maghanap sila ng bagong pag ibig dahil sino ba naman ang gustong tumandang mag isa?
Ikaw ba bilang anak hahadlang ka na maging masaya ang nanay mo? papayag ka bang ilaan nya ang buhay nya para sa iyo at mga kapatid mo na di magtatagal e magkakaron din nman ng sari sariling pamilya? sana bago tayo magsalita mag isip muna tayo, sa halip na manghusga manlait at mamintas buksan na lang natin ang ating mga pang unawa.
totoysipa may punto naman si winadoo given na may dalawang anak si eula na magkaiba ang ama legally married pa pero may bago ng bf, oo fact nga lahat ng iyan pero hindi pa rin makatarungan na pagsalitaan sha ng mga taong hindi naman sha lubusang kilala ng mga hindi katanggap tanggap na salita, alam mo lahat ng tao may dahilan kung bakit nya nagagawa ang mga bagay na kahit mismo sha ayaw nya mangyari sa buhay nya, hindi lahat ng plano mo sa buhay natutupad mo ng 100 percent, kadalasan pumapalya talaga.
Sino ba namang babae ang gusto na magka anak ng magkaiba ang tatay, na makipaghiwalay? di ba wala? oo tayo ang nagdedesisyon at gumagawa ng ating kapalaran pero may mga pagkakataong wala na tayong choice kundi gawin ang bagay na nararapat kahit hindi maganda sa tingin ng ibang tao. Maraming dahilan kung bakit sa ganyan sya humantong na wala sino man sa atin dito ang nakakaalam.
hindi ka nman makikipaghiwalay sa asawa mo ng walang dahilan lalo na at may anak
Hindi naman panghuhusga kung masabi ng pepsters na papalit-palit ng lalaki si Eula. Ang tinitingnan ng readers iyong record niya, na siya rin ang gumawa. Hindi naman haka-haka o opinion na may 2 anak siya na magkaiba ang ama. Fact din na legally married pa siya eh ayan at may iba na namang lalaki.