Luis Manzano admits trying to win back Angel Locsin is not easy

Melba Llanera
Wednesday, January 20, 2010 @ 07:34PM  |  43 views


  "Anything to do with Efren, ayokong pakialamanan. Basta kami ni Angel, we have been vocal on what we have been through as of the moment," says Luis Manzano about CNN Hero Efren Peñaflorida's intention to court Luis's ex-girlfriend, Angel Locsin.

Photo By: Noel Orsal (Angel) & Facebook (Efren & Angel)













Nang lumabas ang balitang balak ligawan ng CNN Hero na si Efren Peñaflorida si Angel Locsin, inamin naman ng ex-boyfriend ng aktres na si Luis Manzano ang kagustuhan niyang suyuing muli si Angel. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa deklarasyon na ito ni Luis, may mga nagsasabi na mukha yatang na-threaten ang TV host-actor kung kaya't nagdesisyon siyang balikan si Angel. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Luis sa ABS-CBN compound ay hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol dito.

"Anything to do with Efren, ayokong pakialamanan. Basta kami ni Angel, we have been vocal on what we have been through as of the moment," sagot ng binata.


COURTING ANGEL AGAIN. Sa past interviews naman kay Angel, naging open siya na kung nagdeklara siya noon na hindi niya binabalikan ang sinuman sa naging ex niya ay tila exception to the rule ang puwedeng mangvari sa kanila ni Luis. Nandun pa rin daw kasi ang special feelings niya para sa binata at pinapahalagan pa rin niya ang pinagsamahan nila. Ito ba ang nagbibigay ng lakas ng loob kay Luis para balikan si Angel?

"Not for anything, kahit nababasa ko ang mga interviews na 'yan, gusto ko munang marinig mismo sa kanya kasi very sensitive topic 'yan," sabi ni Luis. "What gives me encouragement ay kung ano ang mayroon kami ni Angel dati, kung ano ang mga pinagdaanan namin, what we shared, kung anuman ang espesyal na pagtitinginan namin before, and hopefully yung magiging future namin, if we can share something in the future."

Marami rin ang natuwa nang magkausap si Angel at ang ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos. Ayon kay Luis, isa itong bagay na sobrang ikinasaya niya.

"Nagdi-dinner kami nina Kris [Aquino], nina Angel, nagkausap sina Angel at ang mommy ko. Si Angel naman kasi has always been welcome and considered part of our family. Nag-usap sila. Sinabi pa nga ng mommy ko, 'I miss you.' Sinabi naman ni Angel, 'Ako din, Tita.' And it was very, very heartwarming and touching for me. Definitely, I was smiling all throughout their conversation. Si Mommy naman, mahal niya si Angel. Not just that nung kami pa, mahal niya si Angel as a person."

POSSIBLE PROBLEM. Maayos na sana ang lahat sa pagitan nina Luis at Angel. Ang nakagulo lang daw sa pangyayari ay ang interview ni Angel sa TV Patrol World, kung saan sinabi nito na nainis siya nang i-surprise visit siya ni Luis nang mag-guest siya sa The Buzz.

Ano ang masasabi ni Luis dito?

"That is understandable because ang pinanggalingan namin behind that chance encounter ay medyo hindi maganda, medyo argument. Galing kami sa hindi magandang pag-uusap. Hindi ako na-offend kasi very, very expected of a woman naman na after going through something before, tapos bigla kayong nagkaroon ng chance encounter... But the fact na nag-chance encounter kami, siguro it was a sign na kahit papaano, we should fix things. Ang pinanggalingan kasi namin noon ay pagkakalat ko, so siguro hindi maalis na maging awkward nga sa una," saad ni Luis.

Tila inconsistent yata ang itinatakbo ng samahan nila ni Angel ngayon?

"Kasi marami kaming pinagdaanang phase na nag-uusap na kami, medyo magkakatampuhan tapos hindi uli kami mag-usap," paliwanag ni Luis. "Siguro it's all part of the process kung anuman ang maging dapat sa aming dalawa. Ang dami na naming pinagdaanan and hopefully lahat ng yun, makakatulong sa end product ng kung anuman."

"Sa akin, we're starting 2010, might as well start it with a clean plate. Ako, make up sa mga pagkukulang ko sa kanya. I want to fix things, gusto kong ibalik yung dating Kulit at Kite."

MY LAST ROMANCE. Unang nagkapareha sina Luis at Toni Gonzaga sa teleseryeng Crazy For You at ngayon ay muli silang magkapareha sa Your Song Presents My Last Romance. Dahil extended ng dalawang linggo ang kanilang programa, aminado si Luis na nagulat siya sa mainit na pagtanggap ng publiko sa tambalan nila ni Toni.

"Tinatanong ko nga kung nag-extend ba kami dahil sa istorya o nag-extend ba kami dahil napakaganda ng reception ng tao. Very, very thankful kami na na-extend kami at dahil yun sa magandang feedback ng show namin.

"Ako naman, I really want to work with Toni kasi nagkasama na kami sa Crazy For You. We accept hosting jobs together. Nagkasama kami sa My Last Romance na napakainit ng pagtanggap. I'd love to do another teleserye with Toni, pero ang magdedesisyon naman niyan ay ang management pa rin."

1  2  Next »

Related Articles

57 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name