More than two weeks din nawala sa bansa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Halos one week silang nag-stay sa Middle East—partikular na sa Dubai, UAE at Doha, Qatar—bago sila nagpunta ng Spain. Noong Martes, February 16, lang sila bumalik ng Pilipinas.
Sa pagbabalik nina Dingdong at Marian, nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sumabak na agad sila sa trabaho. Isang araw pagkatapos nilang makabalik ay nag-shoot na sila para sa isang TV commercial at kahapon naman, February 18, ay bumalik na si Dingdong sa taping ng game show na Family Feud.
Sa dressing room ng Family Feud sa GMA Network Center nakausap ng PEP si Dingdong.
Ayon sa aktor, parehong memorable ang trips nila ni Marian sa abroad. Sa Doha at Dubai ay nag-show sila kasama sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid para sa mga kababayan natin doon.
"Yung sa Doha at Dubai, parehong naging masaya, very successful. Like yung sa Qatar, malaki talaga yung capacity ng place, pero halos napuno siya. So, parang dun ka mapapaisip na napakarami ngang Filipino sa lugar na yun. And I believe na natuwa naman sila. On our part, malaking bagay na napasama kami sa isang concert with Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Ang sarap ng feeling to be with these artists, also with Rico J. Puno," sabi ni Dingdong.
VIVA ESPAÑA. Pagkatapos nila sa Dubai ay dumiretso na sila sa Spain to meet Marian's father, si Francisco Javier Gracia na isang Español. Kuwento ni Dingdong, hindi na raw sila nagpasundo sa airport at sila na lang ang nagpunta sa restaurant ng daddy ni Marian.
"Okey, e. Kumbaga, the most siguro or the best part of it is seeing them happy together. After almost six years of not being together, e, they were given the chance to be with each other again," sabi ng aktor tungkol sa pagkikita ni Marian at ng ama nito.
Expected naman daw ng daddy ni Marian ang pagdating nila.
"Of course, of course. In fact, there were a lot of arrangements made to make our stay comfortable there," banggit ni Dingdong.
Halatang pigil pa rin si Dingdong sa pagbibigay ng detalye ng mga naging experiences nila sa Spain. Parang gusto niyang ibigay ang chance na yun kay Marian. Aniya, si Marian siguro ang dapat mas magkuwento lalo pa nga't ito talaga ang may dahilan kung bakit kinailangan nilang magpunta sa naturang bansa.
Pero definitely, marami raw magagandang memories and experiences sa naging trips nila ni Marian.
"Sulit talaga!" bulalas niya. "And like what I said, it's the company that matters. Add on na siyempre na maganda ang lugar, very historical, at halos lahat ng magagandang elements are present. So, magandang experience. Something na gugustuhin mong maulit."
HAPPY MEETING WITH MARIAN'S DAD. Naging maganda rin daw ang experience ni Dingdong being with Marian's dad.
"Ako, I believe na sobrang gaan ng kanyang personality. In a way, I see where Marian really came from, may similarities sa daddy niya. Partly, nakita ko ang kanyang kabilang half. So, nakita mo how he is also a bubbly, jolly person. Kumbaga, pagdating sa interes, pagdating sa pagkain, magkakapareho sila. Kahit ang mommy niya na mahilig din magluto," sabi ni Dingdong.
Nagkaroon din ba sila ng "man-to-man talk" ng daddy ni Marian?







dming inggit talaga ky marian
si Marian sikat at kahit magtrabaho ka pang ng boung buhay mo mas rich pa rin sia kaysa sau kaya ganun lang pagka inggit mo sa kanya so ang payo ko sau bawasan mo yan dahil makakasama sau baka kung ano pa ang maisipan mo at bigla ka ng lang magbigti LOL
I Love DongYan!!!
bitter kang talaga! naku day o dong mamatay ka sa inggit dahil alam mo bang nag enjoy ang DongYan sobra sa trip nila sa Spain at least sila nakapunta na sa Spain di bahhhhh!!!
DongYang sikat talaga kaya daming bitter na naglilipana!!!
para ngang retard c duchessnaty... anyway, lets just give this retard a chance coz she needs our understanding...!!!
pinagbiyak na bunga talaga si MR at daddy niya!!! graveh... ang ganda at gwapo nila,,,