Dingdong Dantes says no "pamamanhikan" happened on his trip to Spain with Marian Rivera

Rose Garcia
Friday, February 19, 2010 @ 08:19PM  |  221 views


  "Ako, I believe na sobrang gaan ng kanyang personality. In a way, I see where Marian really came from, may similarities sa daddy niya. Partly, nakita ko ang kanyang kabilang half. So, nakita mo how he is also a bubbly, jolly person. Kumbaga, pagdating sa interes, pagdating sa pagkain, magkakapareho sila," says Dingdong Dantes about the father of Marian Rivera, Francisco Javier Gracia (inset).

Photo By: Courtesy of Dingdong Dantes













Pero hindi pa man sila nakakabalik ni Marian at pagkatapos magbigay ng kanyang official statement si Dingdong tungkol sa isyu, pansamantalang pinayagan ng Comelec ang mga artista na ipagpatuloy ang kanilang mga ginagawa.

Ano ang masasabi niya rito?

"Oo, but it doesn't discount the fact that we should still know and obey the rule," sabi niya. "Pero siyempre, nagpapasalamat ako and I'm very grateful na hindi na-implement, especially ng network, na i-require ang artists who are active in the campaign to take a leave on their shows. Happy ako na nakita nila na hindi naman kailangang gawin.

"Pero of course, as long as we should also do our part to know that to be responsible, we should not really use our show as a venue to campaign, which is hindi ko naman ginagawa."

Aminado si Dingdong na na-bother din siya when he found out about the news.

Aniya, "Siyempre, parang you're put in a situation on having a decent way of living versus fighting for what I believe in. So, parang nasa peligro ang dalawang bagay na importante sa akin kaya siya mahirap. That's why when I was there, along with others na kailangang umapela rin, e, umapela to have consideration at isa ako sa masaya sa nangyaring yun."

Bakit ba niya ginagawa ang lahat ng ito para sa Ayos Na?

"Well, later on, I believe, number one, as I know myself, if I will participate in this exercise, because unang-una, ang biggest population block sa Pilipinas ay ang mga kabataan. At malaking bagay ang kabataan.

"And now that nai-involve ako sa isang endorsement or isang campaign, ayaw ko lang din naman na maging isa akong celebrity nila as representative. But more [than] that, mas symbolic para sa akin at mas maaalala ko ang isang bagay na ako mismo ang kasama sa kampanya [instead of] madali lang na trabaho. Important thing for me is extra hard work para mas ma-appreciate ko rin siya later on," paliwanag ni Dingdong.

MOVIE & TV SERIES. Sa huli, tiniyak ni Dingdong na matutuwa na naman ang maraming followers nila ni Marian dahil finally ay sisimulan na nila ang mga project nilang sila ang magkasama.

"Well, pinag-uusapan na yung movie project under GMA Films. Definitely, this summer yun. So, posibleng mas maunang maipalabas than Endless Love. Kaya sa aming mga friends, malapit na. Kahit kami ay nae-excite. The vacation is really over. So ngayon, back to work naman," sabi ni Dingdong.

« Prev  1  2  3  

Related Articles
1 2

710 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name