More than two weeks din nawala sa bansa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Halos one week silang nag-stay sa Middle East—partikular na sa Dubai, UAE at Doha, Qatar—bago sila nagpunta ng Spain. Noong Martes, February 16, lang sila bumalik ng Pilipinas.
Sa pagbabalik nina Dingdong at Marian, nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sumabak na agad sila sa trabaho. Isang araw pagkatapos nilang makabalik ay nag-shoot na sila para sa isang TV commercial at kahapon naman, February 18, ay bumalik na si Dingdong sa taping ng game show na Family Feud.
Sa dressing room ng Family Feud sa GMA Network Center nakausap ng PEP si Dingdong.
Ayon sa aktor, parehong memorable ang trips nila ni Marian sa abroad. Sa Doha at Dubai ay nag-show sila kasama sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid para sa mga kababayan natin doon.
"Yung sa Doha at Dubai, parehong naging masaya, very successful. Like yung sa Qatar, malaki talaga yung capacity ng place, pero halos napuno siya. So, parang dun ka mapapaisip na napakarami ngang Filipino sa lugar na yun. And I believe na natuwa naman sila. On our part, malaking bagay na napasama kami sa isang concert with Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Ang sarap ng feeling to be with these artists, also with Rico J. Puno," sabi ni Dingdong.
VIVA ESPAÑA. Pagkatapos nila sa Dubai ay dumiretso na sila sa Spain to meet Marian's father, si Francisco Javier Gracia na isang Español. Kuwento ni Dingdong, hindi na raw sila nagpasundo sa airport at sila na lang ang nagpunta sa restaurant ng daddy ni Marian.
"Okey, e. Kumbaga, the most siguro or the best part of it is seeing them happy together. After almost six years of not being together, e, they were given the chance to be with each other again," sabi ng aktor tungkol sa pagkikita ni Marian at ng ama nito.
Expected naman daw ng daddy ni Marian ang pagdating nila.
"Of course, of course. In fact, there were a lot of arrangements made to make our stay comfortable there," banggit ni Dingdong.
Halatang pigil pa rin si Dingdong sa pagbibigay ng detalye ng mga naging experiences nila sa Spain. Parang gusto niyang ibigay ang chance na yun kay Marian. Aniya, si Marian siguro ang dapat mas magkuwento lalo pa nga't ito talaga ang may dahilan kung bakit kinailangan nilang magpunta sa naturang bansa.
Pero definitely, marami raw magagandang memories and experiences sa naging trips nila ni Marian.
"Sulit talaga!" bulalas niya. "And like what I said, it's the company that matters. Add on na siyempre na maganda ang lugar, very historical, at halos lahat ng magagandang elements are present. So, magandang experience. Something na gugustuhin mong maulit."
HAPPY MEETING WITH MARIAN'S DAD. Naging maganda rin daw ang experience ni Dingdong being with Marian's dad.
"Ako, I believe na sobrang gaan ng kanyang personality. In a way, I see where Marian really came from, may similarities sa daddy niya. Partly, nakita ko ang kanyang kabilang half. So, nakita mo how he is also a bubbly, jolly person. Kumbaga, pagdating sa interes, pagdating sa pagkain, magkakapareho sila. Kahit ang mommy niya na mahilig din magluto," sabi ni Dingdong.
Nagkaroon din ba sila ng "man-to-man talk" ng daddy ni Marian?







yan ang true love
...magkaroon naman si Marian ng konting humility sa katawan kasi sobrang yabang nya kung magsalita sya parang wala syang inagawan ng bf ng iba!
bakit kaya di natin itanong si DD kung bakit gusto nya mag-sorry kay ZsaZsa??? gusto pang gawing tulay ni DD si K to say sorry to ZSa Zsa kaso dinedma ni K, har har har
manangdi
====== ano ba pinunta mo dito sa page nato diba tsismis?lols!!nakikibalita pareho lang yung nakikitsismis...
kung ayaw mo nang tistmis dun kasa inquirer or philstar.shuliw ka talaga
kahit pa raw may prob na si k at DD sana na ayos pa yun kung wala sa eksena si Marian, maingay raw talaga yan tsaka parang walang ka class class...
am not against Marian ha she has very pretty face but i dont know much about her personality at ito naman si DD kung totoo man yung sabi nang friend ko di maganda yun. peace
isa si marian sa kilalang hindi sinungaling! kaya nga palagi sya namimisinterpret at namimisjudge ng mga tao...very transparent sya, sinasabi nya kung ano tlga ang nasa puso niya! bakit ba hangang ngayon madami pa din di matanggap ang pagmamahalan ng dongyan? come on mga peeps! ang saya saya nila tignan palagi at bagay na bagay, lets just be happy for them