Halos patapos na ang celebration ng 10th anniversary party ng YES! magazine nang dumating si Gretchen Barretto sa NBC Tent sa The Fort kagabi, February 23. Pero naharang muna siya ng media, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), for an interview sa lobby ng NBC Tent.
Ibinulalas ni Gretchen ang kanyang damdamin sa hindi pagkakatuloy ng unang proyekto na dapat ay pagsasamahan nila ng youngest sister niya na si Claudine Barretto sa ABS-CBN. Lumipat na kasi sa GMA-7 si Claudine bago nagtapos ang 2009.
"Alam mo, magkikita't magkikita kami and one of these days, I'm sure magkakatrabaho rin kami," sabi niya. "Ako kasi yung tao na hindi marunong magtampo. Siguro if ever merong isang time na parang nanghinayang...is that the word? Or nalungkot, pero yung para magtampo... Kasi siyempre, ang career dinidesisyunan 'yan ng sarili. Di ba, dapat ikaw ang magdedesisyon? Desisyon niya 'yon, so nirerespeto ko 'yon. Truly."
BEA REPLACES CLAUDINE. Si Bea Alonzo ang pumalit kay Claudine sa teleseryeng pagsasamahan sana nila ni Gretchen.
"Yes, tuloy na tuloy na. In fact, tomorrow [Feb. 24], magwo-workshop kami," banggit niya.
First time rin nilang magkakatrabaho ni Bea. How does she find Bea?
"Napakagaling. Kasi, di ba, today, pinanood ko yung movie niya [with John Lloyd Cruz na Miss You Like Crazy]. Napakagaling at napaka-intense. So, parang I feel inspired and challenged at the same time. And at the same time, alam ko rin na marami akong matutunan sa kanya. Marami akong tips na mahihingi sa kanya," saad ni Gretchen.
Nagkausap na ba sila ni Bea?
"Tomorrow pa lang, kasi the whole day kami magkasama sa workshop. So magkakakilanlanan talaga kami nang mabuti tomorrow."
Hindi ba siya nai-intimidate kay Bea dahil kilala ito bilang mahusay na batang aktres?
"I'm not kasi the type na nai-intimidate. I'm the type na nae-excite. You know, kasi I don't see anyone as parang a threat. Kung kinakaibigan mo, may matutunan ka, di ba?"
ASKING TONYBOY'S PERMISSION. Paano siya humingi ng permiso sa kanyang partner at businessman na si Tonyboy Cojuangco na gumawa ng teleserye?
"Sabi ko, 'Hey lover, I'm gonna have a career!'" sabay tawa ni Gretchen.
Hirit pa ni Greta, "Alam mo, hindi kasi dapat siniseryoso ang mga bagay-bagay na, 'Can I have a career?' You know, hindi ko na siniseryoso. Kapag sineryoso mo 'yan, makukuha mong sagot, 'No', di ba? Pero kapag sinabi mo, 'Hey, lover, I'll have a career...'"
Anong klaseng paglalambing ang ginawa niya para ma-convince si Tonyboy na payagan siyang mag-artista ulit?






Can she not rent brains too? Erap did it. Erap once said, as president of the Philippines, he hired the best brains of the country. If Erap can do it, why not Gretchen? Let me answer my own Q, Erap has the street smarts, but Gretchen does not have street smarts, or any kind of smarts. Tumpak ka nga canadiana...LOL....
bakit parang may manas sa mukha?
bakit ba ang mga artista, parang sobrang tambok ng mga pisngi?
mga mukhang na tuloy silang inembalsamo. Ganyan kasi mga mukha ng mga nakaburol di ba ang tatambok ng face nyahahahahaha!!!
I am starting to think along those lines din. TBC has been kind to her pero siguro like anyone - may hanganan din. I mean this woman has been in a scandal several times before and it always involved another man. Even if TBC is ordinary looking - it is not hard for him to find a younger and better looking loyal partner.
When a kept woman suddenly goes out of retirement -it is almost always about the money issue. Masyadong mataas ang maintenance ng babaeng ito. She has been pretending to be born into the elite class - even ridiculing people who actually worked hard for their money- kaya she has to dress like one and try to speak like one. I said try - kasi - she could never speak in straight english. In our society kasi- basta mestiza we always assume na magaling sa English. E kung walang natapos - pero maganda - for sure hindi sa English magaling iyan - di ba?