"Mabilis kasi masyado, masaya," ani Mark. "Alam n'yo yung parang dumaan lang. Pareho kaming mahilig sa photography. So kapag binabalikan namin ang pictures, ang dami nang nangyari. Ang dami na naming napuntahan. Ang dami na naming occasion with her family and my family.
"Personally, masaya ako. Kasi minsan, parang mas nararamdaman mo ang bagal ng oras kasi may mga problema or may mga hadlang. Sa amin, from day one, smooth talaga."
Kung ang one-word description ni Jolina kay Mark ay "best," ano naman ang description ng drummer sa kanyang kasintahan?
"Siguro gagamitin ko yung word na 'happiness'. In the truest sense," sagot ni Mark.
JOLINA ON MARK. Nang makausap na namin si Jolina sa YES! party pa rin, sinabi niyang masaya siya na nakikita niyang palagi ang suporta sa kanya ng kanyang boyfriend.
"Alam n'yo si Mark, kapag talagang pupuwede siya, minsan nga kahit hindi siya puwede, pero kapag talagang nag-ask ako ng favor na samahan niya ako, sasamahan niya talaga ako. E, ngayon, nagkataon na maaga naman natapos ang work niya, so sinamahan niya ako. At saka gusto ko talagang date siya dito sa YES! 10th anniversary," sabi ni Jolina.
Nang subukan naming usisain ang iba pang detalye ng kanilang love story ay nakiusap si Jolina na huwag muna silang tanungin tungkol dito. Abangan na lang daw sa mga susunod na issue ng YES! kung saan dun nila ikinuwento nang buong-buo ang kanilang pag-iibigan.







I LOVE IT JOLENS!
kya no matter what happen we love ate nuna/JOLENS/JOLINA with all our hearts.... and no matter what we are here to support.....
NAPUWING LNG KAYO KAY KAU GNYAN MGCOMMENT AT ANG NKAPUWING SA INYO AY ISANG JOLINA MAGDANGAL.......
ATE nuna... we love you.... Keep it up........
KUYA mark... dont mind them....
we are here for both of you....
BEST and HAppiness
Ayan na naman kayo e, salamat nalang ulet. Dahil sa mga ganyang ginagawa niyo lumalabas lang LAHAT ng nagmamahal kay Jolina.