celeb

FIRST READ ON PEP: Vicki Belo and Hayden Kho spotted watching Dancing With The Stars live in U.S. studio

by Erwin Santiago posted on May 19, 2010  STATS: 839 Views | 162 Comments


  One strong evidence that Vicki Belo and Hayden Kho are now together in the States is the live episode of the reality show Dancing With The Stars. Photo shows Dra. Belo and Hayden with the show's host, Tom Bergeron.  (Click here to view the video

)

Photo By: Screen grab from YouTube

May matibay na ebidensiya na magkasama ngayon sa U.S. sina Vicki Belo at Hayden Kho. Sa semi-finals episode (May 18) ng sikat na reality show sa U.S. na Dancing With The Stars ay na-focus sa kamera ang dalawa, kasama ng live audience sa loob mismo ng studio (Click here to view the video).

Sa isang segment ng show ay tumabi ang host ng Dancing With The Stars na si Tom Bergeron kina Dra. Vicki at Hayden, na nasa front row ng audience, habang ini-interview nito ang isang costume designer. Naka-red spaghetti dress si Dra. Vicki samantalang naka-coat and tie naman si Hayden.

Isa sa finalists ng Season 10 ng Dancing With The Stars ang Filipino-American na si Nicole Scherzinger, na miyembro ng all-female group na Pussycat Dolls. Ang iba pang natitirang celebrity contestants ay ang ESPN sportscaster na si Erin Andrews at ang Olympic gold medal figure skater na si Evan Lycasek.

"SPIRITUAL JOURNEY." Matatandaang naunang lumipad patungong U.S. si Hayden at sumunod naman si Dra. Belo.

Sa isang panayam ay sinabi ni Dra. Belo na parang regalo na raw sa kanya ni Hayden ang pagpunta nito sa U.S.

"It's always what I've wanted him to do. I always wanted him to go on a spiritual journey. Matagal ko na in-encourage, ngayon lang niya ginawa," saad ng cosmetic surgeon sa panayam sa kanya ng Startalk.

Nagkaroon pa nga ng isyu ang pag-alis ni Hayden ng bansa. May kinakaharap kasing kaso ngayon si Hayden na isinampa sa kanya ng aktres na si Katrina Halili.

Ayon sa abugado ni Katrina Halili na si Atty. Raymund Palad ay hindi aprubado ng korte ang pag-alis sa bansa ni Hayden. Sinasabi naman nina Hayden at Vicki na alam ito ni Atty. Palad dahil ipinaalam daw ito ng judge sa kanya.

FROM U.S. TO FRANCE. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang malapit kay Dra. Belo na sa Los Angeles dumiretso si Hayden. Pagkatapos nito ay nagpunta siya sa Arizona para sa kanyang retreat, at saka siya bumalik sa Los Angeles kung saan sila nagkita ni Dra. Belo.

Pero ayon sa aming source, tila hindi raw alam ni Hayden na susunod sa kanya sa U.S. si Dra. Belo. Nagulat daw kasi si Hayden nang sabihin sa kanya sa pamamagitan ng Facebook na pupunta rin ng U.S. si Dra. Belo.

Pero tila mahirap paniwalaan ang bagay na ito dahil parang may nakahanda nang itinerary sina Dra. Belo at Hayden sa kanilang U.S. trip, kabilang na nga ang panonood ng Dancing With The Stars. Ayon pa sa aming source, from U.S. ay nakatakda ring magpunta ang dalawa sa Paris, France.

Bagamat hindi pa rin umaamin sina Dra. Belo at Hayden, marami ang naniniwala na nagkabalikan na sila.

Sa June 1 nakatakdang bumalik sa Pilipinas ang dalawa. Sa June 7 kasi ay may scheduled hearing para sa kasong isinampa ni Katrina laban kay Hayden.

WARRANT OF ARREST FOR HAYDEN'S MOTHER. Samantala, habang nasa U.S. si Hayden ay nag-issue ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court sa ina niyang si Mrs. Irene Kho. Ito ay kaugnay ng dalawang counts ng libel case na isinampa ni Katrina Halili laban kay Mrs. Kho noong kasagsagan ng pagkalat ng sex-video scandal nina Hayden at Katrina.

Ayon sa reports, wala raw si Mrs. Kho sa kanilang tahanan nang i-serve ng mga awtoridad ang warrant of arrest. Pero kahapon, May 18, ay nag-post na ng P20,000 bail si Mrs. Kho at ang kanyang abugado sa Quezon City Hall of Justice.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

162 Comments

  • 162  bonalong

    05/26/2010 | 03:48 PM
    sobra na sira nila...wahhhh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 161  FrancisKo

    05/25/2010 | 03:37 PM
    whatever...basta, ingat lang kayo mga kababaihan, KUNG SA INYO NGA NAGAWA ANG VIDEOHAN KAYO NG NAKAKATALIK YO, AT LUMABAS ITO NAKABUKAKA KAYO,masasabi yo pa kaya, it is a part of LOVE at BILANG TAO AT HAYAAN NALANG DAHIL NAGMAMAHALAN SILA - plastic kayo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 160  liwayway

    05/25/2010 | 07:32 AM
    hk cheated on her repeatedly pero in the end, siya pa rin ang mahal ni dr belo.

    live and let live.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 159  angelforeverako

    05/21/2010 | 09:49 PM
    ang gwapo ni hayden kaya di mapakawalan ni doctora o di ba
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 158  ak1nna

    05/21/2010 | 10:53 AM
    napapakakalinis ng iba dito walang bahid na kasalanan kng maka pag judge baka nga ung iba dito mas malala pa hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 157  indiahenretta

    05/21/2010 | 10:49 AM
    Basta ba happy and in love go for it. Life is short.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 156  prettymaniac

    05/21/2010 | 10:43 AM
    hindi pa rin nadadala hanggang ngayon!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 155  aidangel0011

    05/21/2010 | 08:32 AM
    Mukha nga silang sasayaw sa DWTS. Ano kanta, Careless Whisper? LMAO
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 154  careermuna

    05/21/2010 | 06:31 AM
    ituloy nila pagpapakasira nila sa buhay,,lets see san sila pupulutin,wahahaha,,,mayaman lang sila pero wala silag values at breeding,,tsk,,sayang si hayden,,nagpakasira sa kamunduhan,,kilalanin nyo si god muna kase,,ok,,,kulang kayo sa dyos,,,kawawa mga taong ito,,silaw sa kamunduhan,,tsk,,tsk,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 153  gapoboy

    05/21/2010 | 04:24 AM
    Lust is not love, money makes the world go round.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 152  pinoyako24

    05/21/2010 | 02:00 AM
    Ayos sa Spiritual Journey...Dancing with the Stars!!! Wala akong masabi sa dalawang yan!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 151  captain_yagit

    05/20/2010 | 11:20 PM
    nasa youtube na ung video clip. i-search niyo nalang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 150  pepato

    05/20/2010 | 10:24 PM
    Kulang kasi si Belo sa pagmamahal at respeto sa sarili. Hanggat hindi nya kayang tanggapin at mahalin ng tunay ang sarili nya mahihirapan syang sumaya ng tunay kahit walang lalaki sa tabi nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 149  willierevi

    05/20/2010 | 09:57 PM
    Ay yng matandang doctora nangangati na naman.C hayden lng ang makakamot w/his talented lips amp; To_g_e.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 148  shelak

    05/20/2010 | 09:08 PM
    Kadiri si Belo!Yuck!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 147  edwinchinatrust

    05/20/2010 | 07:39 PM
    lakecomo68 - nag PH si DRA BELO
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 146  josephineg

    05/20/2010 | 07:09 PM
    hayaan nyo na , ganyan talaga ang pag ibig , iba pag mahal mo , love conquer all
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 145  agatot

    05/20/2010 | 07:07 PM
    Immoral-yan sina vicky belo at hayden. Masamang ehemplo sa mga tao. Sabagay aminado naman si vicky na ADDICTED sya kay hayden, so talagang mga ADDICT ang dalawang yan, walang pakialam sa mundo, makapal ang mga mukha. Pwede naman itago nila nang hindi sila napupulaan, may pananagutan sila sa mga tao higit sa Diyos kasi masama they dont set a good example to the YOUTH.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 144  edwinchinatrust

    05/20/2010 | 07:02 PM
    CARELESS WHISPER !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 143  inquisitive

    05/20/2010 | 06:31 PM
    hay umandar na naman kakatihan ni Lola belo Im sure yung dalawang anak nya gusto ng iuntog ulo nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About