Nanatiling tahimik si JC Tiuseco magmula nang lumalabas ang balitang nagkalabuan at nag-break na sila ni Maxene Magalona. Ito ay sa kabila ng hindi naman nila pag-amin kahit kailan ng totoong estado ng kanilang relasyon.
Hangga't makakaiwas ay hindi na lang nagpapa-interview si JC kung tungkol sa breakup daw nila ni Maxene ang itatanong sa kanya.
Pero mukhang hindi nagtatapos sa diumano'y breakup nila ang kuwento kina JC at Maxene. Pagkatapos nito ay naglabasan na ang isyung ayaw na raw siyang makapareha ni Maxene, dahilan para matanggal siya sa serye na supposedly ay pagtatambalan sana nilang muli for the third time, ang Bakit Kay Tagal ng Sandali?.
NO COMMUNICATION. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si JC kahapon, May 24, sa pamamagitan ng telepono. Kasalukuyan siyang nasa taping ng bago niyang serye sa GMA-7, ang Langit sa Piling Mo, habang kausap namin. Hesitant pa rin siyang sumagot kapag si Maxene na ang topic.
Ayon kay JC, matagal na silang walang communication ni Maxene.
"Wala nang communication. Super tagal na rin," sabi ng first winner ng Survivor Philippines. "Mga last week of February siguro yun. Hindi na rin kasi ako masyadong lumalabas. Palagi lang akong nasa bahay kung wala rin lang work, o kaya basketball. Pero yung labas na gimmick, hindi talaga."
February ba sila nag-break?
"Friends lang naman!" natatawa nitong sagot sa kabilang linya.
Bakit biglang nawala ang communication nila, samantalang bago ito ay halos hindi sila mapaghiwalay?
"Hindi ko rin alam...wala lang," matipid niyang sagot. Halatang nag-iingat si JC sa pagbibitaw niya ng salita.
Ipinarating namin kay JC ang usap-usapan na diumano'y selosa raw si Maxene. Ano ang katotohanan dito?
"Basta, no comment ako. Ayoko nang magsalita. Basta, no comment na lang. Matagal na rin naman na walang communication, so wala na lang comment," iwas pa rin ni JC.
MAXENE VS. PAULEEN. Maaaring matagal na silang walang communication at matagal na rin mula nang mapabalita ang diumano'y breakup nila. Pero recently ay muling pinag-usapan ang tungkol kina JC at Maxene dahil naman sa isyu ngayon sa pagitan nina Maxene at Pauleen Luna.
Lumbas ang pangalan ni JC dahil sa sinasabing siya ang dahilan ng pagpaparinig diumano ng mga miyembro ng Ampalaya Anonymous, isang grupo ng young actresses, kay Pauleen sa Twitter. Miyembro ng Ampalaya Anonymous si Maxene. Nali-link daw kasi si Pauleen kay JC, na dati ngang na-link kay Maxene.
Ano ang masasabi ni JC dito?







tsaka ang hangad lng tlga nito trabaho hindi para sumikat ,, mabait at totoong tao pa. na mimis interpret lng xia ng tao lalo na sa twitter
lakas ng sex appeal
sna ipair sya kay marian or claudine
bigyan din sana sya movie kahit sya ung sa love traingle
more power
pero itong si JC, parang ang bait bait.
Hoy Mother Dear Pia, pasalamat ka at binibigyan pa ng trabaho ang anak mo..hindi naman siya parang ibang level ng mga ibang artista diyan ha..antagal nga bago ulit siya nabigyan ng break eh. oh my gulay!!!
ayaw pa nilang umamin eh sabay nga cla sa nagshower sa isang spa sa east wood
ang ganda ganda ng gf nya nun pinagpalit nya lng dyan kay suplada