"Madaming aspeto ang love, e. Pero yung endless, na totoong pag-ibig na sinasabi, talagang hindi mamamatay, siyempre si Dong 'yon. Wala, e. Parang wala na akong hihilingin pa. Ibinigay niya na lahat sa akin. Wala lang bangko 'tsaka korona, yun na 'yon... Sobra pa!" says Marian Rivera about boyfriend Dingdong Dantes.
Marian Rivera won't stop boyfriend Dingdong Dantes from venturing into politics
Thursday, June 24, 2010
03:43 PM
Rating
Kung noon ay tila tikom ang bibig ni Marian Rivera sa pagsasalita tungkol sa relasyon nila ni Dingdong Dantes, ngayon ay malaya na niyang naipapahayag ang kanyang damdamin sa lalakeng pinakamamahal niya.
"A woman in love" ang maibibigay naming description sa aura at maging sa mga pahayag ni Marian kapag tungkol na kay Dingdong ang usapan.
Kitang-kita ito nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ibang press si Marian pagkatapos ng special screening ng pilot episode ng Endless Love kagabi, June 23. Sa Cinema 1 ng SM Megamall ginawa ang screening, pero dumiretso ang cast at press people sa Barrio Fiesta restaurant sa 4th level ng naturang mall para sa one-on-one interview with the cast.
ENDLESS LOVE. Dahil Endless Love ang title ng pinakabagong telenovela nina Marian at Dingdong sa GMA-7, na magsisimula na sa June 28, tungkol sa pag-ibig ang naging sentro ng pakikipag-usap ng aktres sa PEP at sa iba pang entertainment press.
Naniniwala ba si Marian sa endless love?
"Oo naman. Kasi ang totoong pag-ibig hindi naman namamatay, e," sagot niya.
Si Dingdong na ba ang "endless love" niya?
"Endless love? Siyempre naman kung sasabihin ko 'yan sa posisyon ko ngayon at sa nararamdaman ko, para sa akin, siya talaga 'yon," pag-amin ni Marian.
Dagdag niya, "Madaming aspeto ang love, e. Pero yung endless, na totoong pag-ibig na sinasabi, talagang hindi mamamatay, siyempre si Dong 'yon. Wala, e. Parang wala na akong hihilingin pa. Ibinigay niya na lahat sa akin. Wala lang bangko 'tsaka korona, yun na 'yon... Sobra pa!"
So, hindi na nakikita ni Marian ang kanyang sarili with another guy?
"Ay, hindi talaga!" mabilis niyang tugon. "Di ba, ang hirap talaga magsalita ng tapos? Pero sa ngayon, kung tatanungin n'yo ako, ay wala, naka-seal na yung mata ko, para akong kabayo—Dingdong lang!"
Nakikita niya ba na sila talaga ni Dingdong ang magkakatuluyan?
"Kung illusion lang, e, maraming illusion sa utak ko!" tawa ni Marian. "Lahat naman ng tao gusto ng masayang pamilya, mag-asawa, maging payapa, maging maayos... Lahat naman ganun ang pangarap, e."
DINGDONG'S MOST ENDEARING QUALITY. Tinanong ng PEP si Marian na ngayong nasa peak siya ng career niya, if ever na mag-propose sa kanya si Dingdong, is she willing to give up everything for him?
"Naku, mahirap na tanong 'yan," sambit niya. "Kasi pag sinabi kong hindi, may masasaktan ako. Kapag sinabi ko namang oo, may masasaktan pa rin ako. So, kung ano na lang siguro ang dumating sa punto na kapag naging ready na ang lahat at naging ready ako, dun ako magde-decide.
"Pero ngayon, ang hirap sabihin na 'i-give up mo lahat para kay Dong,' e, hindi pa naman siya nagpo-propose. Pag sinabi kong hindi ko igi-give up para sa kanya, ang sakit naman para kay Dong 'yon. So, wala na lang."
Sa pagkakakilala niya kay Dingdong, siya ba yung klase ng lalake na hihilingin niya na i-give up niya lahat?
"Ay, hindi. Hindi siya gano'n," mabilis na sagot ni Marian. "Mas gugustuhin niya na i-give kung anong meron siya kesa ako yung mag-give up. Ganun siyang klase ng tao, sa totoo lang. Minsan kahit ako yung naaagrabyado, siya yung tumatalak. Sabi ko, 'Huwag ka nang tumalak, ikaw naman ang mapapasama.' Parang mas gugustuhin niya na siya na lang ang maging masama kesa ako. Ganun siya, e. Ano pa kaya yung career at saka lovelife? Hindi niya ako papipiliin do'n."
Sa dami ng qualities na nagustuhan niya kay Dingdong, ano yung pinaka-natatangi para kay Marian?
"Pag nagmahal siya sa babaeng pinakamamahal niya, lahat ibibigay niya," sagot ng aktres.
- Marian Rivera learns to bake, but not for her wedding cake
- Marian Rivera says she has no right to give advice to KC Concepcion about rumored breakup with Piolo Pascual
- Marian Rivera living in with Dingdong Dantes? "Hindi totoo 'yan. Kasi may bahay ako sa Makati, may bahay si Dong sa Cubao."
- Marian Rivera hopes to take culinary classes while working on My Beloved
- Marian and Dingdong, Angel and Phil, Piolo and KC—which relationship will last?
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More Articles
- Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
- PART 1. Ruffa Gutierrez explains why her relationship with John Lloyd Cruz ended
- Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- Heart Evangelista and Daniel Matsunaga: "We are still together!"
- Daniel Matsunaga says Heart Evangelista's rich family is not a factor in asking her hand in marriage
-
Profiles
ChicoSci vocalist Miggy Chavez plans to venture into tattooing and acting
After playing a small role in Segunda Mano , Miggy says "Why not?" to doing more mainstream projects.
-
Travels
Derek Ramsay and Angelica Panganiban in South Africa!
Angelica singles out this trip for bringing her and Derek closer.
-
All About
Eugene Domingo: "I hope that the 'woman in the septic tank' gets to wear a gown and walk on the red carpet at the Kodak Theatre!"
-
In a glimpse
E-Boy is described as a "modern-day Pinocchio"
E-Boy pilot week will air anew on ABS-CBN this Sunday
Most Popular
- Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
- PEP EXCLUSIVE: John Wayne Sace on being pasaway: "Burado na sa isipin ko yun..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
- Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
- Alice Dixson denies separation rumors anew
- David Archuleta to perform at Pyropalooza event
- Heart Evangelista says she's ready to work with Marian Rivera: "Professional lang tayo. Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin and that was it."
- Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it
- Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."
Advertisement

