Kung noon ay tila tikom ang bibig ni Marian Rivera sa pagsasalita tungkol sa relasyon nila ni Dingdong Dantes, ngayon ay malaya na niyang naipapahayag ang kanyang damdamin sa lalakeng pinakamamahal niya.
"A woman in love" ang maibibigay naming description sa aura at maging sa mga pahayag ni Marian kapag tungkol na kay Dingdong ang usapan.
Kitang-kita ito nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ibang press si Marian pagkatapos ng special screening ng pilot episode ng Endless Love kagabi, June 23. Sa Cinema 1 ng SM Megamall ginawa ang screening, pero dumiretso ang cast at press people sa Barrio Fiesta restaurant sa 4th level ng naturang mall para sa one-on-one interview with the cast.
ENDLESS LOVE. Dahil Endless Love ang title ng pinakabagong telenovela nina Marian at Dingdong sa GMA-7, na magsisimula na sa June 28, tungkol sa pag-ibig ang naging sentro ng pakikipag-usap ng aktres sa PEP at sa iba pang entertainment press.
Naniniwala ba si Marian sa endless love?
"Oo naman. Kasi ang totoong pag-ibig hindi naman namamatay, e," sagot niya.
Si Dingdong na ba ang "endless love" niya?
"Endless love? Siyempre naman kung sasabihin ko 'yan sa posisyon ko ngayon at sa nararamdaman ko, para sa akin, siya talaga 'yon," pag-amin ni Marian.
Dagdag niya, "Madaming aspeto ang love, e. Pero yung endless, na totoong pag-ibig na sinasabi, talagang hindi mamamatay, siyempre si Dong 'yon. Wala, e. Parang wala na akong hihilingin pa. Ibinigay niya na lahat sa akin. Wala lang bangko 'tsaka korona, yun na 'yon... Sobra pa!"
So, hindi na nakikita ni Marian ang kanyang sarili with another guy?
"Ay, hindi talaga!" mabilis niyang tugon. "Di ba, ang hirap talaga magsalita ng tapos? Pero sa ngayon, kung tatanungin n'yo ako, ay wala, naka-seal na yung mata ko, para akong kabayo—Dingdong lang!"
Nakikita niya ba na sila talaga ni Dingdong ang magkakatuluyan?
"Kung illusion lang, e, maraming illusion sa utak ko!" tawa ni Marian. "Lahat naman ng tao gusto ng masayang pamilya, mag-asawa, maging payapa, maging maayos... Lahat naman ganun ang pangarap, e."
DINGDONG'S MOST ENDEARING QUALITY. Tinanong ng PEP si Marian na ngayong nasa peak siya ng career niya, if ever na mag-propose sa kanya si Dingdong, is she willing to give up everything for him?
"Naku, mahirap na tanong 'yan," sambit niya. "Kasi pag sinabi kong hindi, may masasaktan ako. Kapag sinabi ko namang oo, may masasaktan pa rin ako. So, kung ano na lang siguro ang dumating sa punto na kapag naging ready na ang lahat at naging ready ako, dun ako magde-decide.







712 alkassim
Paano di dadami sa comments doon sa AL nyo....marami ding mga MR fans nagcomment doon...
Daming paulit ulit na messages doon....dadami talaga yon...
alkassim
June 30, 2010
16:00 PM article ni angel 24 hours pa lang inabot na ng 2000+ comment!ang lupet
____________________
eto? 2 weeks na? hai.. di parin kinukuha?? ano to promotion sa flop na endless love?
jackeith
June 30, 2010
14:45 PM endless love the best
__________________
anong the best??? best bestin mong mukha mo.. anong best dun? flop nga eh...
hmmmmmmmmmmmmm bitter,mag work ka nalang para my mapala kah...big deal b un?!
simula pa lang nakaka-adik nang subaybayan!
magagaling na performers din yung mga bata.
nakakaadik na, umpisa pa lang!
nakakaiyak sobra.
galing ng mga bata