Marian Rivera won't stop boyfriend Dingdong Dantes from venturing into politics

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Thursday, June 24, 2010 @ 03:43PM  |  7189 views


  "Madaming aspeto ang love, e. Pero yung endless, na totoong pag-ibig na sinasabi, talagang hindi mamamatay, siyempre si Dong 'yon. Wala, e. Parang wala na akong hihilingin pa. Ibinigay niya na lahat sa akin. Wala lang bangko 'tsaka korona, yun na 'yon... Sobra pa!" says Marian Rivera about boyfriend Dingdong Dantes.

Photo By: Noel Orsal













Paliwanag niya, "Actually, ayokong mag-comment kasi hindi na showbiz na usapan 'yan. Medyo pang-buong mundo na 'yan, e. Ang hirap no'n. Siguro kung may magde-decide at magsasabi kung tatanggapin niya 'yan, kung anong posisyon, kung anuman 'yan, siya [Dingdong] na lang ang tanungin n'yo."

Pero kung anuman daw ang maging desisyon ni Dingdong ay maaasahan nito ang kanyang suporta.

"Alam naman niya na palagi akong nasa likod niya kahit ano pang desisyon ang gawin niya," sabi ni Marian. "Pero siyempre, kung tatanungin niya ako at kung naguguluhan siya kung anuman, siguro nandun lang ako sa likod niya para magsalita. Pero wala akong karapatan na sabihin na kunin niya o huwag niyang kunin. Siya pa rin ang magde-decide niyan."

Hanggang saan niya susuportahan si Dingdong?

"Ay, all the way ako sa kanya. Kasi ganun din siya sa akin, e."

Bilang girlfriend, gusto niya ba o ayaw niya na tanggapin ni Dingdong ang sinasabing posisyon?

"Kung ano ang gusto niya. Kung guhit ng kanyang kapalaran, dun siya," sagot niya.

Sa ngayon daw ay hindi pa alam ni Marian kung nakapag-usap na si Dingdong at si President-elect Aquino ("Kuya Noy") tungkol dito.

Nakikita rin ba ni Marian ang sarili niya bilang public servant?

"Ay, hindi," sagot nito.

Pero nang sabihin sa kanya na ganun din ang sinabi noon ni Vilma Santos, na ngayon ay gobernador na ng Batangas, biglang ni-revise ni Marian ang kanyang sagot.

"Ganun? Ay sige, huwag magsalita ng tapos," sabi niya.

Dagdag niya, "Hindi ko po muna talaga nakikita ang sarili ko... Hanggang cashier lang ako! Hindi, siguro ano, gusto ko ang showbiz, mahal ko ang status ko ngayon. Mahal ko kung sino si Marian Rivera. Dun na lang muna ako. Mahirap kasi na humakbang na naman sa panibago na hindi ko naman kayang panindigan. Dito na lang ako sa showbiz na kaya kong panindigan."

Kung siya ay hindi niya kayang pasukin ang pulitika, si Dingdong ay nakikitaan ng kakayahan at kapabilidad na maging isang public servant.

"Ay, oo naman!" pagsang-ayon ni Marian. "Yung lalake namang yun, e, talagang lahat na lang ng aspeto ay magaling at matalino naman 'yon. Kaya nga kami compatible!"

« Prev  1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

686 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name