Masaya at relaxed na relaxed si Marian Rivera sa pagsagot sa bawat tanong ng entertainment press sa kanya sa Endless Love press conference, na ginanap right after i-premiere ang pilot sa SM Megamall noong Wednesday, June 23. Sa katunayan, isa siya sa huling umalis sa venue.
Pero bago namin siya nakausap, natanong muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong Dantes sa loob ng SM Cinema 1 kung gaano niya kamahal si Marian. Ang sagot ni Dingdong, from day one pa lang daw, pataas na nang pataas ang pagmamahal niya sa dalaga.
FOREVER AFTER WITH DONG. Hiningi namin ang reaksiyon ni Marian sa statement na ito ng boyfriend, at nakangiti niyang sinabi, "Sabi ko nga, ang hirap magsalita nang tapos. Pero, hindi ko nakikita ang sarili ko sa iba. Gusto ko siya talaga. Makasama habambuhay."
Seryoso ang naging sagot ni Dingdong when asked about getting married. Sinabi namin kay Marian na nakikita sa kanilang dalawa na tipong doon na talaga sila papunta, sa kasalan.
"E, siguro kung ganoon ang iniisip nila, bahala na lang sila do'n. Kasi, tulad ng sabi ni Dong, masyado kasing kumplikadong tanong 'yan, sobrang napakabigat na... hindi basta-basta.
"Ang kasal kasi panghabangbuhay 'yan. May kasulatan 'yan. Nakaharap pa sa altar. So, hindi naman puwede na, 'Ay, ikakasal kami.' E, baka mam'ya maudlot or hindi naman pala talaga. Ang hirap! Kapag siguro sure ball na, bakit hindi?"
Kung siya ang tatanungin, ready na ba siya?
"Ready? Ang hirap, e. Parang sinabi ko kanina, ang hirap magsalita nang tapos. Baka mam'ya may masaktan ako. Kapag sinabi kong ready na 'ko, kumusta naman ang career ko. Kapag sinabi kong hindi, masasaktan ko naman si Dong. So, kung anuman ang dumating na ayoko namang pangunahan ngayon, doon muna 'ko, masaya 'ko ngayon. Sobrang in love ako at masaya ako sa Endless Love. Sobrang excited ako na ipalabas siya kasi, masaya, e. Balik-tambalan."
THANKS TO DENNIS. Sabi-sabi na baka last team-up muna nila itong Endless Love.
"Ay gano'n? Ayokong isiping last! Babawiin nila 'yan," natatawang sabi niya.
Dugtong pa niya, "Mahirap din naman kasing magsalita. Management ang nagbibigay ng project. Eto na lang muna 'ko, karerin na lang muna namin ang Endless Love."
May pressure ba sa kanya dahil ipapalabas na ang Endless Love sa Monday?
"Ayoko na lang isipin ang pressure. Kung iisipin mo, talagang nakaka-pressure talaga. The way yung expectation. So, siguro, maganda na lang, huwag na lang akong magpa-pressure. Unang-una, dapat na maging masaya 'ko dahil nakasama ko na naman si Dong. Pangalawa, ibinibigay sa akin si Jenny, at pangatlo, gawin ko ang makakaya ko para yung character ni Jenny ay mabigyang-buhay ko, di ba? At siguro, gagawin na lang namin ang lahat para mabigyang buhay namin sina Johnny at Jenny."
May mga nang-iintriga kay Dennis Trillo dahil sa mga nakaraan nilang projects sa TV at movies, silang dalawa ang magka-partner. Pero dito sa Endless Love, everybody knows na ang magkakatuluyan talaga ay sina Johnny and Jenny. Anong masasabi niya?
"Ako, ang laki ng pasasalamat ko na tinanggap niyang talaga ang Endless Love. Kung tutuusin mo naman talaga at napanood mo ang totoong Koreanovela ng Endless Love, hindi naman siya extra, support. At saka, napakalaki ng role niya. Title lang talaga ng Endless Love na Johnny and Jenny. Pero kung tutuusin, hindi mabubuo ang Johnny at Jenny kung walang Andrew."
BEST LOVE TEAM. Dong feels safe daw kung si Dennis ang kapareha niya.







JenzC2009
Anong petsa na???
rhaicute22
June 26, 2010
13:43 PM number 2 lang toh sa rating sa agb dahil c agua bendita p din ang number 1..den mga nasa top 5 sya sa tns hahaha
______________
nanginginig na sa takot.. hahahahaha
ENDLESS LOVE sa lunes na!
alkassim
June 26, 2010
20:24 PM IMORTAL na...ABANGAN..........
______________
naliligaw ka! hehehehe
Super kalog silang lahat!!
Pusta tayo, magiging no. 1 rin ang Endless Love...endless count ang fans nila kasi!