Gerald Anderson on breakup rumor with Kim Chiu: "Paano namang magbi-break yung magkaibigan lang?"

Rommel Placente
Tuesday, July 27, 2010 @ 10:40PM  |  92 views


  "Basta gusto kong mag-grow kami bilang artista at bilang aktor at aktres siyempre. Kung kailangang maghiwalay muna, kung makakatulong naman para sa amin yun, siyempre open naman kami ni Kim sa ganoon," says Gerald Anderson about his team-up with Kim Chiu.

Photo By: Noel Orsal













Nalulungkot si Gerald Anderson dahil malapit nang mamaalam sa ere ang kinabibilangan niyang drama series sa ABS-CBN, ang Kung Tayo'y Magkakalayo.

"Bale ten nights na lang kami mapapanood. Nakakalungkot na magkakahiwa-hiwalay na kami dahil naging close na kaming lahat ng cast, pati ang buong staff. Pero masaya naman ako sa support na ibinigay sa amin ng televiewers namin. Mataas ang rating namin, di ba? Kaya sobrang thankful ako sa lahat ng sumusuporta ng show mula nung umpisa at hanggang ngayong matatapos na," sabi ni Gerald nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial niya para sa isang magazine kahapon, June 27, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ano ang susunod na project na pagsasamahan nila ni Kim Chiu sa Kapamilya network?

"Wala pa namang sinasabi sa amin. Pero siguradong meron 'yan," sabi ng 21-year-old actor.

Pero bakit may balitang sa susunod na project nila ni Kim ay hindi na sila ang magkakasama o magiging partner? Kaya nang makarating ito sa Kimerald, grupo ng tagahanga nina Kim at Gerald, ay nagbanta ang mga ito na magra-rally sa ABS-CBN.

"Hindi ko pa rin kasi alam ang plano ng ABS-CBN sa amin ni Kim, e," sabi ni Gerald. "Pero excited naman ako sa mga susunod na gagawin namin kung hiwalay man o hindi. Pero siyempre, mas maganda pa rin yung kami ni Kim ang magkasama. At para na rin sa mga fans namin na gustung-gusto nilang napapanood kami together ni Kim."

Pero gusto rin ba niyang naipapareha siya sa iba maliban kay Kim?

"Basta gusto kong mag-grow kami bilang artista at bilang aktor at aktres siyempre. Kung kailangang maghiwalay muna, kung makakatulong naman para sa amin yun, siyempre open naman kami ni Kim sa ganoon," sagot niya.


JUST FRIENDS. Kumusta na ba sila ni Kim?

"Ayun, tuwing magkasama kami, lalong lumalakas ang relationship namin, yung friendship namin," ani Gerald.

Friendship lang ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Kim?

"Magkaibigan lang talaga kami. Close lang kami, ganun," sagot niya.

Bakit may balitang break na sila ni Kim samantalang wala naman silang inaamin na naging sila?

"Yun nga ang magulo, e. Sinasabi nila kami na tapos may balitang break na kami? Paano namang magbi-break yung magkaibigan lang? Friends lang talaga kami, yun lang yun," diin ni Gerald.

Hindi kaya balang araw ay bigla silang umamin ni Kim na nagkaroon sila ng relasyon after nilang mag-break? Karamihan kasi sa couples sa showbiz na nagde-deny noong una, pero nang maghiwalay ay saka lang umamin.

"Hindi siguro mangyayari yun sa amin ni Kim. Kasi friendship lang talaga ang meron sa amin," sagot ni Gerald.

1  2  Next »

Related Articles

72 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name