Heart Evangelista on boyfriend Daniel Matsunaga's critics: "Kung sino naman 'yong inaapi, 'yon naman ang ibi-bless. So, okey lang na maliitin siya [Daniel]. Pero grabe naman ang blessing niya, e. Okey lang."

Photo: Noel Orsal

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Heart Evangelista sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, January 15, naungkat kung hindi ba siya nao-offend na parang minamaliit ang boyfriend niyang si Daniel Matsunaga?

Lalo na kapag tungkol sa finances ang napag-uusapan?

Na kesyo si Heart, galing sa isang mayamang pamilya at alangan ang Brazilian-Japanese model-actor sa kanya?

Sagot ni Heart sa mga nanlalait: "Sila naman 'yong mga mukhang ano, e. Kasi sila 'yong may ibang ugali kaya sila ang dapat na ma-offend."

Nasasaktan ba siya sa gano'n?

"Of course, I'm hurt. 

"Pero kung sino naman 'yong inaapi, 'yon naman ang ibi-bless. 

"So, okey lang na maliitin siya [Daniel]. Pero grabe naman ang blessing niya, e. 

"Okey lang."

Mas napapamahal ba sa kanya si Daniel sa mga gano'ng pagkakataon?

"Oo. Siyempre. Oo."

PAANO NA ANG KASALAN? Muli namang itinanggi ni Heart ang balitang nagplano na raw silang pakasal ni Daniel ngayong taon, pero biglang nagdesisyon diumano silang huwag na lang muna itong ituloy.

"No. That's not true," diin ni Heart.

Walang plano talaga, kundi napag-usapan lang 'yong kasal?

"Parang gano'n naman 'yon, e. Kapag kayo, parang may dreams kayo.