Happy Birthday, Tita Angge!

Rommel Gonzales
Saturday, January 26, 2008 @ 08:02PM  |  40 views

Tita Cornelia Lee, (middle) together with Bayani Agbayani's wife Lenlen (left) and friend Sharon Cuneta (right).
Photo By: Rommel Gonzales













Isang simpleng salu-salo para sa kanyang mga mahal sa buhay at malalapit na kaibigan at mga talents ang idinaos last Friday, January 18, sa tahanan ng talent manager na si Ms. Cornelia Lee na mas lalong kilala sa showbiz circle bilang si Tita Angge or Tita A.

 

Bago ang celebrasyon, nagkaroon ng isang religious procession ng mga santo na bahagi ng koleksyon ni Tita Angge sa loob ng subdivision kung saan nakatira si Tita A. Bilang isang relihiyosang Katoliko, nakagawian na itong gawin ng talent manager tuwing sasapit ang kanyang kaarawan, bilang bahagi ng kanyang pasasalamat.

 

Kasunod nito ang masaganang salu-salo at dumating ang halos lahat ng kanyang mga alagang tulad nina Sylvia Sanchez, Eula Valdes, Lotlot de Leon, Mymy Davao, Glenda Garcia, Dexter Doria, Smokey Manaloto, Gary Lim, Noel Colet, Reuben Manahan, Cris Villanueva, John Arcilla, Timmy Boy Sta. Maria at Bayani Agbayani. Nakita rin sa salu-salo ang mga TV executives ng ABS-CBN na sina Enrico Santos, Cathy Ochoa-Perez at Cory Vidanes, at ang TV director na si Edgar "Bobot" Mortiz.

 

Tuwang-tuwa rin si Tita A sa pagdating ng nag-iisang Megastar na si Ms. Sharon Cuneta na malapit sa kanyang puso.

 

Ang highlight naman ng gabi para sa may kaarawan ay ang sorpresang pagdating na panganay na anak ni Tita Angge na si Imelda. Isang nursing student si Imelda at nagkunwaring hindi siya makakauwi ng bahay in time for her mom's birthday. Kaya naman, maluha-luha si Tita Angge nang biglang dumating si Imelda galing sa duty nito na naka-uniporme pa, at may dala pang isang malaking bouquet ng bulaklak.

 

 

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name