Naging successful naman ang kick-off show ng Star Magic Live at Ayala Malls noong Friday night, February 27, sa Market, Market in Taguig, dahil sa rami ng mga taong nanood. Sina Chokoleit at Nikki Gil ang nagsilbing hosts.
Bidang-bida sina Maja Salvador at Rafael Rosell na parehong nagpakitang gilas sa dance floor. In fairness, sa production number pa lang nila ay sulit na ang paghihintay ng mga taong dumagsa pa sa venue.
Kasama rin sa mga nag-perform ay ang Gigger Boys na kinabibilangan nina Enchong Dee, Chris Gutierrez, Dino Imperial, Arron Villaflor, AJ Perez, Robi Domingo, and Sam Concepcion, na siya ang nagdala sa grupo. In fairness, ang well applauded din ang kanilang number.
Simple ang paliwanag ng mga Gigger boys sa tanong ni Chokoleit kung bakit daw Gigger ang pangalan nila? Sabi nila, "Kaya gigger, hindi ba kayo nanggigil sa amin?!"
Siyempre, patatatalo ba naman ang ilang girls ng Star Magic? Nagtilian din ang mga fans sa portion nina Jessy Mendiola, Lauren Young, Isabelle Abiera, and Empress Schuck, kasama ang Star Magic batch 16?
Ang naganap sa Market, Market ay patikim pa lang. Narito pa ang mga susunod na schedule of shows ng Star Magic talents:
March 8, 5:00 p.m.—Pavilion Mall, second floor Activity Center
March 22, 4:00 p.m.—Metropoint
April 4, 6:00 p.m.—Alabang Town Center Town Plaza
April 15, 6:00 p.m.—Trinoma Activity Center
April 18, 4:00 p.m.—Glorietta Activity Center (with a meet and greet at 5:00 p.m., Glorietta 5 Park)






0

