Muli na namang manggugulat si John "Sweet" Lapus sa bagong pictorial niya para sa kanyang anniversary show na Sweet 16, na gaganapin on May 15 and 16 sa Teatrino Greenhills.
Dahil nagsimula na ang summer season, naisipan ng host ng Showbiz Central na magpakuha na naka-bathing suit. Walang takot na nag-abala si Sweet na gayahin ang naging cover pictorials nina Marian Rivera, Angel Locsin, at Lucy Torres-Gomez na nagsuot ng sexy swimwear.
Sabi ni Sweet, na-inspire lang daw siya sa mga tulad nina Marian, Angel, at Lucy dahil mukha na lang daw nila ay mabebenta na ang magazine. Pero nagpakita pa rin sila ng mga kurba ng kanilang mga katawan dahil confident ang mga ito sa kanilang figure.
"Aba, confident din ako, di ba?" malakas na tawa ni Sweet sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "In fact, umaapaw ako sa confidence. Kaya wala akong takot na mag-bathing suit sa aking bagong pictorial!
"Sa tinagal ko naman sa profession kong ito, ang naging puhunan ko talaga ay lakas ng loob, tibay ng sikmura, at walang pakundangang confidence sa katawan. May mga nag-suggest na sa akin na mag-bathing suit naman ako sa next pictorial ko kasi sawa na raw sila sa mga nakakalokang outfits ko. Para maiba naman daw.
"In fairness, ako lang naman yata ang kayang gumawa ng gano'n dahil nga sa wala nga akong takot. Kaya pinagbigyan ko ang request ng mga sisters natin diyan. Heto at maloka kayo sa makikita ninyo sa aking Sweet 16 poster layout."
Isa sa mga isinuot ni Sweet sa kanyang pictorial ay isang gold skimpy swimsuit na nahahawig sa mga nasuot nang bathing suit ni Katrina Halili. Sa tulong daw ng tatlong araw na crash diet ay napagkasya ni Sweet ang kanyang "voluptuous" na katawan sa bathing suit na 'yon.
"Hindi ko naman itinatanggi na pang-plus size ang katawan ko. Nagkakaedad na tayo kaya mahirap nang magpapayat, not unless magpa-liposuction ulit ako. E, wala nang time kaya magtiyaga tayo sa diet, di ba?
"'Tsaka uso naman ngayon ang mga plus-size, di ba? Mga models nga sa U.S. ngayon, mga may curves na at malaman. Hindi na raw uso ang mga mapapayat na models ngayon. Kaya makiuso na lang ako.
"Pero siyempre, dadaan naman sa airbrush at Photoshop ang mga litrato ko para naman maging mas kaakit-akit ang dating. Mabura ang mga tsismis sa katawan natin na hindi naman karamihan. At malagyan ako ng konting kurba.
"Naku, hindi talaga madali ang trabaho namin talaga! Mahirap ang kumita ng pera kaya lahat ng puwedeng gawin ay paghandaan namin. Pero dahil showgirl naman talaga ako, kaya kong panindigan ang mga ganito," dire-diretsong pahayag ni Sweet.
Handa na ba si Sweet sa hindi magandang feedback na matatanggap niya sa pagsuot ng bathing suit?
"Ready naman ako kahit sa ano," sagot niya. "Kaya nga ako tumagal ng 16 years sa showbiz dahil tanggap ko lahat ng positive at negative reviews sa akin. Mas nagpapalakas sa akin kasi ang mga ganyan. Kapag may pintas sa akin, it means na pinagtiyagaan akong pintasan. Hinanapan talaga ako ng kung anu-anong hindi maganda. In other words, pinagkaabalahan ako.
"Sa mundo naman na ito, hindi mawawala ang mga nega. You cannot please anybody all the time. Meron talagang magda-down sa iyo which only makes me stronger. The more na okrayin ako, the more na magpapakita ako ng kung anu-anong nakakaloka!" tawa ni Sweet.
16TH ANNIVERSARY SHOW. Ayon sa director ni Sweet sa kanyang anniversary show na Sweet 16 na si Philip Lazaro, hindi lang basta pagpapatawa ang gagawin ni Sweet. Isang show daw ito na bibigyang halaga ni Sweet ang mga taong humubog sa kanyang pagkatao, lalo na sa naging career niya sa showbiz.








Just look at the tasteless pics and you'll see what the real issue is.
yun lang. don't be opening cans of worms people. chill.
gidodido
April 9, 2009
05:39 AM
tanong ko lang...bakit dumarami ang mga bakla di naman cla nanganganak?
Kasi nababasa sila? heh heh