Through the social networking website Facebook, nahanap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating sexy star na si Stella Ruiz, who now uses her real name Estella White. Kaagad namin siyang tinanong kung totoo bang ikakasal na siya sa dating boyfriend ni Gladys Guevarra, ang Fil-American na si Philip Peredo.
Kung matatandaan ay iniwan ng dating co-host ng Eat Bulaga! at comedienne na si Gladys ang career niya rito sa Pilipinas dahil nakipag-live in siya kay Philip, na isang businessman from New Jersey, noong August 2007. Pero nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa at inamin naman ito ni Gladys nang mag-guest siya sa Showbiz Central last April 5.
Ang ibinigay na dahilan ni Gladys ay hindi raw niya kinaya ang kultura na kinagisnan ni Philip sa U.S. Dagdag pa ni Gladys, marami raw pinagseselosan si Philip, lalo na noong umuwi ang comedienne para sumali sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 2 ng ABS-CBN.
Kinumpirma sa amin ni Stella na ikakasal na siya kay Philip sa isang church wedding sa darating na September 6. Inamin din ni Stella na ikinasal na sila ni Philip last March 19 in a civil rite sa town hall ng Saddle Brook, New Jersey.
Ang church wedding na lang ang inaasikaso nila ngayon. Ang color motif ng kanilang wedding ay red and white.
Marami raw talk shows na gustong ma-interview sina Stella at Philip tungkol sa kanilang pagpapakasal. Pero mas gusto raw nila na maging tahimik na lang ang lahat.
"As much as I would love to do an interview, Philip and I have decided to just let people read our website (www.philipandestella.com) to find out about the latest plans for our wedding.
"We update this website weekly and will be updating it even more frequently before the wedding. We are enjoying our private quiet life now here in New York," simpleng sagot ni Stella.
WHERE IT ALL BEGAN... Kuwento ni Stella, nagkakilala sila ni Philip sa pamamagitan ng telepono lamang. Ang mutual friends daw nila ang nag-set up para magkakilala sila.
Nasa New York that time si Philip samantalang nasa San Francisco naman si Stella. Kahit nga raw nasa magkabilang coast sila sa U.S. ay nararamdaman nilang may connection na silang dalawa.
Nagkita sila after that phone conversation, they exclusively dated and eventually ay nagsama sila sa iisang bahay sa New Jersey.
Sa Las Vegas raw nag-propose si Philip kay Stella last December 25, 2008. Nag-order daw ng breakfast si Philip sa kanilang hotel room at ipinatong nito ang isang small white box sa ibabaw ng pancakes ni Stella. Akala raw ni Stella ay pancake syrup ang laman ng white box. Nang buksan niya ito ay may isang maliit na red box at may laman na singsing.
Isang family heirloom ang engagement ring na ibinigay ni Philip kay Stella.
"Philip gave me an amazing engagement ring!" bulalas ni Stella. "It's 100 years old and it was his grandmother's engagement ring. His mom wanted me to have it.
"Napakabuti nila sa akin, they are a decent quiet family. Since we're civilly married, we already got our wedding ring and the jeweler said to me, 'pag nagagalit daw ako kay Philip, just look at my wedding ring and I will remember how much he loves me.







toinks!
di bah siya rin yung guy that supposedly had given Gladys yung red H2 Hummergt;?...I wonder what happened to it na by now?..baka na-recycle at naging hand-me-down para kay Stella...and wasn't there an article at one time na Phillip and Gladys have purchased a home in the Philippines para meron silang tutuluyan whenever he'll be in the country?...susmarya, ang dami kong tanong ah!
have a happy life stella amp; philip in the great US of A...or wherever life takes both of you!
aha mas maniwala pa akong ikaw ang selosa gladys
naku sa face pa lang ang layo na ng agwat nyo ni stella noh....
manalamin ka muna bago dakdak na komo ikaw ang umayaw sa guy....
hahahah baliktad ang mundo
aha mas maniwala pa akong ikaw ang selosa gladys
naku sa face pa lang ang layo na ng agwat nyo ni stella noh....
manalamin ka muna bago dakdak na komo ikaw ang umayaw sa guy....
hahahah baliktad ang mundo
well, malalaman natin after 5 years, baka magdivorce din pag citizen na si stella.
but congratz!