Sa unang pagkakataon ay nagkasama sa isang malaking event ang dalawang GMA-7 stars na naging Pinay Thalia—sina Marian Rivera at Carla Abellana.
Si Marian ang kauna-unahang Pinay Thalia nang i-launch siya bilang "next big star" ng GMA-7 sa phenomenal hit series na Marimar. Ngayon ay si Carla naman ang nabigyan ng pagkakataon ng Kapuso network na maging Thalia sa bagong local TV adaptation ng hit Mexicanovela na Rosalinda.
Nagkasama sina Marian at Carla sa 59th anniversary special ng GMA-7 sa Araneta Coliseum na One Glamorous Night: Greater and Grateful at 59 kagabi, June 19, kung saan nakasama rin nila ang halos lahat ng stars ng GMA-7.
Sa backstage ng The Big Dome ay sabay na nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Marian at Carla na kagabi lang nagkasama. Pinagtabi namin ang dalawang Pinay Thalia at masaya sila na nagkasama sa malaking event na iyon ng GMA-7.
Nanggaling kay Marian na nagkakilala silang una ni Carla nang may mag-introduce sa kanilang dalawa sa isang event din ng GMA-7.
Tinanong ng PEP si Marian kung ano ang puwede niyang masabi kay Carla dahil ito na ang bagong Pinay Thalia ngayon.
"Siyempre, natutuwa naman ako dahil nadagdagan na naman ang mga stars ng Kapuso network, at welcome na welcome si Carla sa ating lahat. Na-meet ko na si Carla before pa at okey naman siya. At good luck sa project niya na Rosalinda, kasi alam ko na maganda ang kalalabasan no'n tulad ng nangyari sa Marimar," pahayag ni Marian.
Sa parte naman ni Carla, tila na-starstruck siya nang una niyang makilala si Marian. Ngayon ay nagkakasama pa sila sa malalaking event at shows ng GMA-7.
"It's really an honor to meet Marian in person and hopefully to work with her soon," nakangiting sabi ni Carla. "Siya pa rin naman ang kinikilalang original Pinay Thalia and I am happy to follow in her footsteps. Mabait siya at napakaganda niya."
LOOK-ALIKES. Marami ang nagsasabi na magkahawig silang dalawa. Agree ba sina Marian at Carla sa obserbasyon na ito?
"Oo naman!" sabay tawa ni Marian. "Kita n'yo naman, para lang kaming nananalamin sa isa't isa! 'Tsaka kanya-kanya namang opinyon yan, e. If they think na magkahawig kami, okey lang. It means na pareho kaming maganda, di ba?"
Sumang-ayon naman si Carla at sinabing, "Marami nga ang nagsasabi, and I feel flattered kasi nga Marian Rivera na yan. Masabi lang na may hawig kami, malaking bagay na for someone like me na nagsisimula pa lang sa showbiz. Masaya kong tatanggapin 'yong mga sinasabi nila."
May advice bang maibibigay si Marian kay Carla tungkol sa pagganap bilang Pinay Thalia since marami na siyang experience pagdating sa acting?
"Siguro pinaka-advice ko lang ay mag-enjoy si Carla sa ginagawa niya. At the same time, yung pagiging serious din niya sa pinasok niyang trabaho ay nandoon. Ako kasi noong ibinigay sa akin ang Marimar, pinanood at pinag-aralan ko talaga ang istorya, pati na ang mga kilos ni Thalia. Tapos, nagbigay ako ng sarili kong interpretation. From there, magkakaroon ka na ng sarili mong character na hindi nalalayo sa original. At isa pa, mahalin niya ang trabaho niya para mahalin ka rin nito pabalik," saad ni Marian.
Natuwa naman si Carla sa magandang advice na ibinigay ni Marian sa kanya at nangako ito na susundin ang mga sinabi nito.








thanks dewpixie at least alam ko na kung aling network talaga ang dapat tangkilikin, sabagay non pa man ay solid kapuso na kami sa bahay dahil ang dami na talagang mga anomalya ang lumabas galing sa dos, sa gma kasi konti lang, at balita ko nga na magaling daw ang management ng syete!
kapag nag english sya paano na yung mga class c and d na fans ni MR ? eh out of 10, 6 ang class c and d while 1 and class A and 3 sa class b sa pinas ????
tsaka 2nd language lng ntin ang english, kaya ndi nya priority, ang impt. sikat sya at may diploma..unlike yung iba, englisera nga kuno, LAOS naman..
Katarungan para kay Marian!!!
sabay tali ng ulo, okay na ba sayo ang pakikipagsanib ko sa pakikibaka mo?
lol..you made my day!
now if you may excuse me, may meeting pa kami ni pakyaw at paguusapan pa namin kung paano ka sasamahan sa pangangampanya. go go go lols..
hayaan mo tutulungan at sasamahan kita sa yong mga adhikain sa buhay!
kasama mo akong magwewelga para sa mga artista!
go go go mga kapuso! dugot pawis sa paglalakad para sa inyo. buhay ko ilalaban ko! hahahahaa!
Carla Abellana: Mahinhin, classy, educated, very polite, HINDI pashowbiz or FAKE. ROSALINDA
i like both of them!
talaga! nagtrabaho ka sa both network? magandang experience yan coz personal mo talagang na-experience kung aling istasyon ang dapat na tangkilikin at hindi.at least mas lamang ka sa `min coz maraming kang alam na mga positives or negatives about sa 2 networks.
harrymeg
June 21, 2009
03:19 AM pebbleso7
baka si Carla ang pupulutin sa kangkungan ...naku ng rumanpa si Carla sa GMA special dios mio wla man lang nagreact ni isa buti pa si Geoff at take note DongYan lang ang isinisigaw kaya nga pati chew always nasa news nila ang dongyan kc pati sila gusto makiride on sa pa popularity ng dalawa LoL
---------------------------
harrymeg;
wag mong patulan ang mga kapamz na yan! pinag-aaway-away lang nila ang mga kapuso,mentras sinasagot mo mga pang-aasar nila ay the more na natutuwa ang mga yan, so pls. lang wag mo na lang silang pansinin!
Dewpixie
Quote- senseless things naturally came from senseless people-Quote
---------------
tapos sabayan mo ng go kapuso mahal namin kayo!
ang bigat din ng pinaglalaban mo ha!
life changing event kumbaga lols..
youre very sensible ha, mabuhay ka!
sinabi ba nya yun in person to marian? i dont think she can do that ...
tingin ko hanggang sa abroad lalakarin ng abs/ meralco na mag-brown out dahil sa sobrang inggit at nerbyos nila sa mga upcoming shows ng kapuso! lols