Noong September 9, pormal na inilunsad ang PPL Entertainment Inc., ang management and events company ni Perry Lansigan na siyang nag-manage ng career ni Dingdong Dantes for 13 years. Kasabay nito, nagkaroon din ng blessing ang bagong opisina ni Perry Lansigan sa may Scout Area sa Quezon City.
Intimate ang salu-salo sa bonggang two-storey office, na hindi pa talaga tapos pero pinabendisyunan na rin dahil, ayon sa feng shui, suwerte ang pagbubukas ng desisyon sa lucky date ng taon, and triple 9 0 09-09-09.
Kuwento ni Perry Lansigan, executive producer din ng SOP, "Actually, thirteen years naman na akong nagma-manage kay Dingdong. Pero ngayon, ang ginawa ko, pinormalize ko lang lahat. Noong nawala si Tito Dougs, isa siya sa mentor ko. Alam n'yo, si Tito Dougs, palagi niya akong tine-text. Noong lumabas ang YES! magazine ni Dingdong sa bahay, tinext niya ko, 'I'm proud of you...you should be proud. Lahat ng nangyari kay Dingdong ngayon ay meron ka, part ka dun.'"
Ang pagkamatay ng batikang talent manager na si Douglas Quijano noong June 13 ng taong ito ang nagbunsod sa kanya para mag-invest sa isang opisina.
"After ng mangyari sa kanya, nakakatakot...Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. At least, kung mawala ako, may opisina ang mga alaga ko. May mga taong magpapatakbo. Hindi sila maliligaw. Itutuloy lang nila kasi, may mga road managers silang lahat, may office pa. So, walang maliligaw."
Bakit PPL ang pangalan ng kanyang kumpanya?
"Kaya siya PPL dahil puwede siyang basahin as pangalan ko [Perry P. Lansigan] or kapag may events ako, puwedeng People, Parties, and Locations. Kumbaga, may ganun siya, so puwede ko siyang gamitin kahit saan."
THE PPL OFFICE. Reflection daw ng kanyang personality ang makikita sa mismong opisina ng PPL. White ang dominant color, pero ang mga accents, vases, at upuan ay multi-colored. Makulay daw ang buhay para sa kanya kaya ginawa niyang pula ang kanyang hagdanan, at asul ang inset ng wall na naghihiwalay sa dining room at opisina ni Perry.
Bawat sulok ng PPL office ay merong Perry's touch. Ang disenyo ay batay sa mga pegs na nakuha niya sa magazines. Siya mismo ang pumili at bumili ng mga gamit. Ayon pa sa talent manager, inabot ng four months ang construction ng building.
Nang usisain namin siya tungkol sa mga intriga na posibleng ipukol sa kanyang magarbong opisina, ang mabilis niyang sagot: "Hindi ko naman hinaharap yung mga negative vibes na ganyan. Sabi nga ng aking expert-friend [sa feng shui], huwag ko raw pansinin yun."
PPL TALENTS. So far, PPL has six talents at makikita ang mga larawan nilang nakahilera sa wall ng office, ayon sa kung kailan sila nai-manage ni Perry: Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Arthur Solinap, Angelika dela Cruz, at ang baguhang si Carlo Gonzales.
Sa pagpapatuloy ng big boss ng PPL, "May tatlong existing talents na madaragdag, may isang hindi [na] baguhan pa. Pero more than that, ayoko na muna."
Sa ngayon, puro Kapuso talents ang mga mina-manage niya, lalo pa't he's also working in GMA-7. Pero natutuwa siya dahil hindi takaw-gulo o pasaway ang mga alaga niya.
Wala raw siyang masasabing management style, pero natutuwa raw siya na galing sa maayos na pamilya ang kanyang mga talents.
Ang malumanay na paliwanag niya, "Hindi kasi naituturo yun. Nasa breeding ng pamilya. Nasa pinag-aralan. Kasi, naniniwala ako na lahat ng talents ko, nanggaling sa maayos na pamilya. Naturuan ng pamilya nila ng tama at lahat may pinag-aralan. At hindi ko na itinuturo yun, it's inborn. Dapat inborn na mabait, inborn na matulungin. Inborn na edukado. Hindi kasi naituturo yun."








Perry, pwede ako volunteer sa office mo, for free basta lang kita ko once a week si Dong!...hahaha
congrats din kay perry... asenso ka na ah.
Nagkaroon tuloy ako ng idea,parang gusto kong iparenovate yung aking mga computer shop in Pinas,hehehe
ang stairway to heaven!!!
ang ganndaaa.
naiyak ako dun sa simula. feeling ko ending na. :]] tas yung humming na song.. super nkakakilabot. kkaiyak. :]]