Sa wakas, matapos ang dalawang taong pagpaplano, naisakatuparan na rin ng aktres na si Camille Prats at asawang si Anthony Linsangan ang kanilang church wedding.
Ikinasal na sa Santuario de San Antonio, McKinley Road, Forbes Park, Makati City, sina Camille at Anthony nitong March 5, alas-tres ng hapon.
Bago ang pinkahihintay na church wedding, ikinasal sina Camille at Anthony sa Los Angeles, California noong January 5, 2008, ilang araw bago maipanganak ni Camille ang baby boy nilang si Nathaniel Caesar o Nathan.
Tulad ng lahat ng gustong magpapakasal, isang maganda't ganap na pag-iisang dibdib ang hangad nina Camille at Anthony. At kahapon nga ay naisakatuparan na nila ang kanilang "perfect wedding."
Nagsimula ang kasal bandang alas-tres ng hapon, matapos na maipuwesto ang lahat ng principal sponsors, secondary sponsors, bridesmaids, at groomsmen.
Lumakad na ang ring bearer (na dapat sana'y si Nathan, subalit nakatulog ito), kasunod ang coin bearer, Bible bearer at flower girls.
THE BRIDAL WALK. Noong bumukas ang malalaking pinto ng simbahan, sinabayan ng hangin ang pagpasok ng bride. Breathtaking ang naging effect.
Bukod sa napakaganda ng bride, nakapukaw din ng pansin ang kanyang Rajo Laurel gown, na sumabay sa hangin ang bagsak ng tela't kinang ng mga palamuting kristal.
Sa saliw ng awiting "I Don't Wanna Miss A Thing," na inawit ni Kyla, tila tumigil ang mundo at napatitig ang lahat sa radiant bride.
Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rajo bago lumakad si Camille sa loob ng simbahan tungkol sa gown na ginawa niya para sa bride.
"The dress is a little bit extraordinary because it's not your traditional white," simula ni Rajo habang inaasikaso pa ang final touches at pag-aayos sa gown na nakasuot na kay Camille.
"It's a combination of different tones of gold, ivory and champagne...the whole bodice is actually quite intricate and took a long time to make, almost about three and half months. The crystals are all Austrian Swarovski, and they form a certain pattern. We wanted something almost fantasy in its inspiration. You know, befitting somebody like Camille who is princess-like," paglalarawan ni Rajo.
Matatandaang noong 1995, sa edad na sampu ay ginampanan ni Camille ang role na Princess Sarah sa ABS-CBN show na Sarah ang Munting Prinsesa. "That's probably how I envisioned her [ang Princess Sarah character ni Camille] when she gets married!" patuloy pa ni Rajo.
BIG-NAME SPONSORS. Kabilang sa mga bigatin at kilalang principal sponsors ng kasalang Prats-Linsangan sina Sen. Juan Miguel Zubiri, Dr. Manny Calayan, Aga Muhlach, Direk Edgar Mortiz, ang manager ni Camille na si Arnold Vegafria, GMA VP for Entertainment Wilma Galvante, GMA Films president Atty. Annette Gozon-Abrogar, at ABS-CBN executive Cory Vidanes.
Parehong hindi nakarating sina Sen. Zubiri at Ms. Vidanes sa kasal, kaya't nagpadala na lang ng proxy si Sen. Zubiri, kasama ang asawa niyang si Audrey, habang si Charlene Gonzalez-Muhlach naman ang tumayong ninang in the absence of Ms. Vidanes.








ganda make-up ni camille. si angelica ganda rin talaga. no big deal kung naka-vans siya. mahaba naman yung gown and di naman nakita no! OA ng mga bitter kala mo kasal nila. hahaha!!!
siguro dami inggit dito dahil CANNOT AFFORD ang ganitong kasal...
masayang okasyon sisirain ng kung anu anong comments na hindi naman connect sa kasal.
aminin na lang hindi talaga gwapo si asawa pero inaalagaan naman niya pamilya nila so mas maigi na rin yun.