Sa five-part horror film na Cinco, bida si Jodi Sta. Maria sa episode na "Paa" na first directorial job ni Enrico Santos.
Iilang horror films pa lang ang nagagawa ni Jodi, na mas kilala sa drama, at aminado siyang matsa-challenge siya dito, lalo pa't sa buong buhay niya'y hindi pa siya nakaka-experience ng multo. Kaya "hindi ko pa alam ang feelings talaga. Pero, ayokong magkaroon, if ever!" natatawa niyang pahayag sa press conference sa Aristocrat sa Roxas Boulevard last Thursday, July 1.
Pero feeling daw niya, maraming matatakot sa Cinco, na ipapalabas na sa mga sinehan sa July 14.
"Honestly, binabasa ko pa lang ang script, parang natatakot na 'ko, e. Kasi, yung episode, tatakbo lang siya ng 20 minutes. So feeling ko, walang room para lumaylay ang story. Parang lahat, ang taas. Bawat eksena, bawat sequence, may magaganap. Bawal mag-CR. Hindi ka puwedeng maka-miss ng kahit isang sequence sa pelikulang ito."
LIFE EXPERIENCE AS ACTING TOOL. Marami ang nakapansin na tila kung kailan nagkaroon ng asawa't anak si Jodi, saka pa siya mas lalong naging visible sa showbiz. Saan nangagaling yung sipag niya ngayon sa pag-aartista?
"E, kasi, sobrang nae-enjoy ko talaga. Nagkakataon na lahat ng nao-offer, lahat ng nagagawa ko, mga gusto kong gawin. E, ako naman talaga, walang malaki, walang maliit na role. Ang tinitingnan ko yung importansiya, yung essence ng character."
Kahit noong panahon pa ng Tabing-Ilog, ang youth-oriented drama series sa Channel 2 na tumakbo mula 1999 hanggang 2003, marami na ang nakapuna sa potensiyal niya sa pag-arte dito. Pero, parang ngayon lang siya napapansin nang husto at nabibigyan ng opportunity.
"Siguro, dumating lang ang time na nag-swak lang lahat. Siyempre, malaking factor na kung nasaan ako ngayon sa life ko na may anak ako, may asawa 'ko, gano'n. At saka, siyempre, mas marami kang na-discover sa sarili mo. Mas maraming pinaghuhugutan... At hindi lang yun. Nagkataon na ito yung time na yung mga nabigay na mga roles. Sinuwerte ako sa mga roles at sa mga nagdaang taon."
Sa sinasabi niyang "pinaghuhugutan" niya, isa na ba rito ang napabalitang on the rocks daw ang marriage nila ni Pampi Lacson noong 2007?
"I think naman, sa isang relationship, hindi mo puwedeng sabihin na forever na smooth sailing 'yan, e. May mga times talaga na medyo nagkakaproblema. Pero ang importante naman do'n, naaayos."
Paano niya made-describe ang buhay nilang mag-asawa ngayong five years na ang marriage nila?
"I think, parang adjustment pa rin."
A HELPING HAND FOR OTHERS. Sa press conference, hindi nawala sa usapan ang ginagawa niyang pagtulong sa kaibigang si Angelika dela Cruz na ang adopted brother na si Erick, 19, ay naka-confine ngayon sa Lung Center matapos maoperahan noong June 25 dahil sa pneumothorax o collapsed lung.
Nag-tweet si Jodi sa mga kakilala at news oulets na magsasagawa silang mga kaibigan ni Angelika ng fundraiser para kay Erick sa Barrakz Bar sa Tomas Morato, Quezon City on July 10.
"Si Shine [palayaw ni Angelika], matagal ko nang kaibigan. At alam naman natin ang nangyari sa kanya, di ba? Namatayan siya ng brother [si Edward, sa vehicular accident noong June 7]. And now, hindi pa man siya nakaka-get over do'n, may panibagong dagok na naman na dumating sa life nila...







------------------------
so better shut up. the more u talk, the more u commit mistake
7
fagero
July 5, 2010
14:15 PM
Hindi masama ang humngi ng tulong. Pero tama ka. Bakit si la humihingi, hindi naman sila yung mga taong walang wala.
Fund raising? Kahit nga siguro hindi na, kahit si Jodi na lang magbigay. hehe!Di ko rin maintindihan.
bakit ka magpa fund raising eh bat di ka magbigay nang pera kay angelika abir?? kanino ka nag ask nang fund raising?sa amin?sa amin na mas mahirap pa sa daga?
bakit ka magpa fund raising eh bat di ka magbigay nang pera kay angelika abir?? kanino ka nag ask nang fund raising?sa amin?sa amin na mas mahirap pa sa daga?
when she went to our province invited sha sa jolibee anniversary nag ask nang favor ang BFF ko magpapicture tumayo sha at nakasimangot she even smirked at my BFF kaya even if you look at her pic sa facebook nang bestfriend ko nakasimangot talaga sha...
hello arttista ka day i understand napapagod ka or may problema so eh bat kapa pumunta kung labag sa loob mo?binayaran ka ang jolibee day to entertain the public at heloww ang nag hingi nang favor ay ang manager mismo nang branch...
at ngayun fund raising ka???salamat nalang dun ka humingi sa bayaw mong wanted...maldita!