Limang taon na ang reality show ni Carmina Villarroel sa QTV11 na Day-Off. Humahataw rin sa ere ang morning show nila ng partner niyang si Zoren Legaspi sa GMA-7, ang Love ni Mister, Love ni Misis. Bukod dito, kasama rin siya sa reality sitcom ni Michael V na Pepito Manaloto.
Ito ang dahilan kaya hindi maiwasang tanggihan ng TV host-actress ang offers sa kanya na gumawa ng mga teleserye.
Pero nami-miss ba niya ang paglabas sa mga soap?
"Nami-miss siyempre," sagot ni Carmina sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero pag mag-soap pa ako, wala na akong buhay. Kasi ang soap, di ba, three times a week? E, yung Love ni Mister, Love ni Misis, twice a week kaming nagte-taping, tapos meron pa akong Day-Off, tapos may Pepito Manaloto pa ako. So, four times a week. Hindi ko na alam kung saan ilalagay ang soap kung tatanggap pa ako."
MISSES DOING MOVIES. Ayon kay Carmina, ang paggawa ng pelikula ang isa sa gustong balikan niya.
"Movies, yun ang sobra kong nami-miss!" sambit niya. "Given a chance, talagang... Normally, mabilisan nang gumawa ng movies ngayon kapag kinomit mo ang sarili mo na three months, four months, whatever. Siguro kaya kong mag-sacrifice na ibigay ko yung Monday sa kanila and yung Saturday.
"Yun ang gusto ko. Wala lang, nami-miss ko lang. Parang nami-miss ko ang sarili kong makita sa screen. Basta, gusto kong gumawa ng movie, period.
"Tapos, may mga plano-plano pa lang. Sana matuloy. Merong offers kaya sana matuloy. Kasi palaging gano'n, hanggang doon lang.
"Siyempre, if ever na gagawa ako ng movie, gusto ko namang may something na ikatutuwa naman no'ng mga tao. At saka gusto ko, hindi naman yung parang sinabi lang na 'Oy, may pelikula ako!' 'Pero nasaan ka? Hindi kita nakita.'
"Hindi naman gano'n kadali tapos naging busy rin naman TV, sa commercial. So, hindi ko masyadong naintindi yung sa movies ko. Ngayon, ang balita ko, may offer. Sana, sana matuloy."
Wala pang maibigay na detalye si Carmina sa sinasabing movie project dahil nabanggit lang daw ito sa kanya ni Zoren.
"In passing lang na nakuwento sa akin ni Zoren. Kasi, di ba, si Zoren magdidirek ng isang episode ng Shake, Rattle & Roll? Yun yata ang pang-filmfest. Tapos, may na-mention nga sa kanya sina Mother [Lily Monteverde] sa Regal. Hindi ko sure kung pang-filmfest. Alam mo naman si Mother, di ba? Hanggang hindi nagsu-shoot, hindi pa sigurado," saad ni Carmina.
ELEVEN YEARS. Mabanggit lang ang pagiging okey nilang dalawa ni Zoren sa morning show nila ay napapangiti na nang husto si Carmina.
"Kasi nga, nakakatawa siya, di ba?" paliwanag niya. "Parang karakter na nga ako, e. Kasi nga, importante yung nag-start kaming magkaibigan. So, magkaibigan kami. Kaya no'ng naging mag-dyowa kami, hindi naman nawala yung friendship na yun, e. Hindi na ako yung, 'Ay, hello!' Hindi naman ako pa-girl at hindi rin naman siya pa-cute.
"At kahit artista kami," patuloy ni Carmina, "hindi namin napi-feel na artista kami. Pag wala kaming trabaho, normal lang kaming tao, ordinaryo lang."
Hindi rin itinatanggi ni Carmina na may mga tampuhan at diskusyon silang dalawa ni Zoren.
"Ay, dysuko!" bulalas niya. "Kung ano yung napapanood mo sa TV, ano kami, we argue a lot. Bickering kaming dalawa, pero hindi kami nag-aaway. Yun ang akala ng mga tao... Pag hindi mo kami kilala at pag narinig mo kaming nagkakaroon ng argument, akala mo nag-aaway kami.







heheheh
ang sarap magintriga
so ngayon pala okey lng na magsama...
hahaha ID--T, ikaw ang mag-isip! so ngayon pala hindi na okey lng na magsama at magkaroon ng mga anak kahit hindi kasal kasi BAKA MAGHIWALAY! hindi ka lng pala B-BO, imoral kapa! WAHAHAHA! BTW hindi ako kapamilya nor kapuso i watch shows depende kung maganda ito irrespective kung anong channel ito HAHAHA FYI im a big fan of survivor and endless love waaaaaaaah MORON!
And getting marriage in a church especially if you are a Catholic is important. It is one of the sacraments that you uphold.
HINDI MO KAILANGAN ANG MAG-WALK DOWN THE AISLE...ang basbas ng pari sa harap ng Diyos ang importante.
Kung hindi ka naman Katoliko...walang kaso yon.
Pero ang kasal sa simbahan ay mas importante para sa isang tunay na Kristayanogn Katoliko...
magpapakasal ka rin lang ng civil...eh pwede namang gawin ng pari yon. They are recognized civilly as long as the license is there.
YOU GET MARRIED IN CHURCH BECAUSE YOU BELIEVE AND WANT GOD TO BLESS YOUR UNION.