Ikinasal noong Biyernes, September 17, alas-siyete ng gabi sa isang function room ng Sofitel Philippine Plaza sa Manila ang aktres na si Angelu de Leon sa non-showbiz boyfriend nitong si Lorenzo "Wowie" Rivera. Mahigit na 30 guests lamang ang invited sa intimate wedding.
Live na nag-guest si Angelu sa StarTalk kahapon, September 18, at nagpa-interbyu sa mga hosts na sina Ricky Lo, Butch Franciso, at Lolit Solis.
Ayon kay Angelu, matagal na silang magkakilala ni Wowie. At para sa kanya, answered prayer ang pagdating ng kabiyak sa kanyang buhay.
Ang kuwento ng newly-wed, "Actually we've known each other for four years. We were friends, we were badminton friends and then the relationship grew siguro mga three years ago.
"And then, I realized... when he was going to church already with me, kasi naging Born Again [Christian kami]... All the signs and answers to prayers made this wedding possible.
"Kumbaga if it wasn't God's will, I mean, this wouldn't be possible. So I'm just really really blessed because He made it possible."
Sa Spiral restaurant ng Hotel Sofitel rin ang reception. Nagdetalye ang 31-year-old actress tungkol sa mga nangyari.
Aniya, "It was very, very intimate. Family namin and close friends lang who made a mark on our relationship. Thirty people. Christian wedding. It was my head pastor, Bishop Chito Sanchez, who presided over the ceremony.
"It was just three tables so medyo kinabahan lang ako... meron ako actually picture. Sa sobrang kaba ko, naging purple yung toes ko. Hahahaha. Parang hanggang ngayon purple pa rin siya 'pag nate-tense ako."
Close ba ang mga anak niya kay Wowie?
"Oh, yes. When we had a talk, I had to ask them if they were okay with it. 'We like him, he's cool!' Guma-ganu'n pa sila," ang masayang pahayag ni Angelu tungkol sa magandang relasyon ng asawa sa mga anak niyang sina Nicole at Louise.
Sa pagpapatuloy niya, inilarawan ni Angelu ang kanyang husband, "Si Wowie... Wowie is a very, very simple guy. He's from a good family and he's very nice... ano pa ba ang puwede kong sabihin?
"I guess, we've proven our relationship kasi, we've been through a lot. It really came to... okay, this is really it, parang ganun..."
Matagal ba ang ginawang pagpaplano para sa kanilang kasal?
"No. Four years na kami and I got engaged noong June 22 sa Bangkok... Sa Bangkok kami naging engaged kasi, we were on a trip there with our friends, 'tapos iyon...







Kasi si Angelu lang kaya yakang yaka kong mag addition dito. Unlike luvs luvs luvs, hay naku, multiple na personality disorder yan day, di ko pa nman alam mag multiply at bka may square root pang involved, kaloka
sana gumawa ka ng soap na kasama si claudine at ang ibalik yung katawan mo noong ginawa mo ang babaeng hinugot sa aking tandyang... sexy mo noon.. as in. napahanga mo ako muli noon