Special guest si Kristine Hermosa at fellow Star Magic artist na si Megan Young sa opening ng isang bagong outlet ng direct selling company kung saan mga endorsers sila ng beauty products.
Matagal nang endorser si Kristine ng Splash Corp. at nakilala siya sa pag po-promote ng mga whitening products nito. Ngayon naman ay makeup line ang kanyang ginagamit.
"I'm very happy to still be with them until now. Sobrang happy ako at kini-keep pa din nila ako," pahayag ni Kristine na medyo pagod dahil sa busy schedule niya para sa teleserye na Noah kung saan kasama siya.
"Sobrang happy din ako for Noah kasi okay ang feedback. Gusto siya ng mga tao. Yun naman ang importante, yung mapasaya namin yung mga tao," aniya.
Sabi ni Kristine, isa sa mga dahilan na maganda ang Noah ay dahil nakatambal na niya si Piolo Pascual in their early years.
"Yung first soap ko with ABS was Sa Sandaling Kailangan Mo Ako. Kasama ko na si PJ [palayaw ni Piolo] doon. Ok naman. Kumbaga kami na yung mga 'lolo't lola' sa teleserye," natawa niyang sabi.
After Noah, hindi pa raw alam ni Kristine kung ano ang next show niya sa Kapamilya network.
"I'm not sure kasi I'm getting married," nadulas na pahayag ng aktres. "Hindi ko pa alam kung ano ang next project ko. Siguro naman up to the end, magiging part pa din ako ng Noah.
NO WEDDING DETAILS, PLEASE. Pilit naman siyang inusisa tungkol sa detalye ng kanyang kasal with Oyo Boy Sotto pero sigurado na next year na gaganapin ang kasal.
"Fun at exciting talaga," nang tanungin siya tungkol sa paghahanda na ginagawa niya. "Saka, medyo nakaka-kaba rin."
Ito ba'y magiging kapareho ng kasal ni Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos who only gave notice about their wedding on the day itself?
"Very simple, very intimate, and very private," Kristine said. "Kami naman, alam na ng mga tao. We just don't want to share the details talaga. Basta mga kapamilya niya at mga kapamilya ko."
Pero hands-on daw silang dalawa tungkol sa mga detalye ng upcoming wedding nila.
"Pero ina-ask pa din namin ang mga parents namin. Siyempre, mas alam nila iyon, di ba? So, kami naman, first time naman namin ito. So, binibigyan nila kami ng advice, kung anuman yung maibibigay nila. Pero siyempre, kami pa rin yung may last say," she said.
Kristine related that she also spends time with the family of Oyo Boy.






hindi, ang pangalan nya ay joseph taga bohol sya matagal pero matagal na syang umalis sa kanila. itanong mo pa sa nanay ni kristine, siguro naman wala syang ibang kapangalan at matatandaan nya sya..
kung di siya bibigyan ng project ng abs kasi ang priority nila ngayon ay yung mga game sa lahat kahit na ang paghuhubad at pagpapaka-daring,eh di huwag.sa palagay mo ba, magigiging blessed ang isang network which promotes pre-marital s e x in their shows.akala ba ng network na yan,blessings from God ang tinatamasa nila ngayong success.remember never invest on temporal things lalo na yung may power at money kasi mas malaki ang accountability nila pagdating ng panahon sa mga blessings na natatanggap
sana maging active pa rin sya sa showbiz