(This article was originally posted on December 22, 5:13 PM)
Kasal na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.
Naganap ang kasal ng dalawang singers sa Terrazas de Punta Fuego, isang beach resort, sa Nasugbu, Batangas, kaninang bandang alas-tres ng hapon, December 22, at natapos ito bago 5 p.m.
Ayon kay Karen Pagsolingan, ang representative ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na dumalo sa wedding, naluha sina Ogie at Regine habang nag-e-exchange ng kanilang wedding vows.
Sa isang bahagi ng wedding vow ni Ogie ay sinabi niyang, "I'll be your avid Reginean, your Brad Pitt, your Tom Cruise, and Justin Bieber, rolled into one..."
Bilang bahagi ng kanyang wedding vow, inawit ng Asia's Songbird ang "Di Ko Malimutan" ng APO Hiking Society. Nangako siyang mamahalin niya si Ogie, na ayon sa kanya ay "cute na cute" siya.
Nanghingi na rin si Regine ng paumanhin kay Ogie kung minsan ay masusungitan niya ito dahil, "40 na, malapit nang mag-menopause." Tawanan ang mga bisita sa kanyang biro.
Tinapos naman ni Regine ang kanyang wedding vow sa linyang ito: "I've never been so happy in all my life. Thank you."
Nakasuot si Regine ng bright red gown, na gawa ni Monique Lhuillier. Si Ogie naman ay naka-coat and tie na likha ni Randy Ortiz.
Nang iproklama sila bilang husband and wife, tumugtog ang "Kailangan Ko'y Ikaw," na isinulat ng Songwriter para sa Songbird.
Maganda at romantic ang venue ng kasalan.
Ayon pa kay Karen, "The venue was filled with violet, pink, and white flowers. Visitors are dressed in pastel colors. The altar is overlooking the hills."
Nangunguna sa mga bisita si Pangulong Noynoy Aquino, na isa sa groomsmen.
Sabay na naglakad ang matriarch ng Regal Films na si Lily Monteverde at Viva big boss na si Vic del Rosario bilang principal sponsors.
Principal sponsor din si Sharon Cuneta ngunit nagkaproblema siya sa kanyang gown. Ayon sa balita, kahit naka-makeup na siya, hindi na siya nakatuloy mula sa bahay niya sa Sta. Rosa, Laguna, dahil wala siyang back-up gown.
Ilan pa sa mga bisita ng mga bagong kasal ay ang mga kaibigan nila sa showbiz na sina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, Michael V., Jaya, Senator Bong Revilla, Sarah Geronimo, Christian Bautista, Noel Cabangon, John Prats, Rachelle Ann Go, Direk Louie Ignacio, at Direk Dante Nico Garcia.
Kasama rin sina Dennis Trillo, Jose Mari Chan, Pia Magalona, German Moreno, Kuh Ledesma at ang anak niyang si Isabella. Naroon din ang mga Gutierrez na sina Eddie, Annabelle, Ruffa, at Richard.
Ilan sa couples na dumalo ay sina Richard Gomez at ang asawa niyang si Rep. Lucy Torres, na nakasuot ng isang gray na gown. Kasama naman ni Dingdong Dantes ang kasintahang si Marian Rivera, na naka-light blue-green sequined gown.







ows talaga!baket friend ko kinasal sa catholic church eh divorce yung naging husband nya. pero tama ka,ang kasal nina regine at ogie ay christian wedding.
an ugly bride! Sorry this is my honest opinion. Peace!
it doesnt matter kung anong kulay ng damit o komedyante ang bride, yon ang personality ni regine, ang mahalaga ay makasal at magkasama ng legal...karamihan nga puting-puti ang damit ng bride pero pagkaraan ng ilang taon, annulment ang kasunod...
nakukuha ba sa kulay ng damit ay itatagal ng pagsasama?
Nawa ang sumpaan nila ay panghabang buhay...
Congratulations!