Paglabas ng artikulong ito ay naipamahagi na marahil sa 80 percent ng invited guests ang invitation para sa kasal nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
Gaganapin ang "wedding of the year" sa December 22, 2010, sa The Peak, Terrazas De Punta Fuego, sa Nasugbu, Batangas.
Nagkaroon ng aberya sa pagdi-distribute ng invitation dahil nagpalit ng wedding planner ang mga nag-aasikaso sa preparasyon ng event.
Si Regine mismo ang nag-design ng invitation.
Gaya ng dapat asahan, isa itong kakaibang invitation na malayo sa mga tradisyunal na imbitasyon sa mga kasalan.
Isa lang ito sa iilang partisipasyon niya sa preparasyon sa kanilang wedding ni Ogie.
Ang isa pa ay ang kanyang wedding gown.
Kilala naman si Regine sa pagiging creative at untraditional sa maraming bagay, gaya ng pagpili niya sa kulay red na wedding gown.
Hangga't maaari ay ayaw rin niya ng photo shoot pagkatapos na pagkatapos ng seremonya. Gusto rin niya na isang party ang magaganap pagkatapos ng wedding ceremony.
THE WEDDING INVITATION. May sukat na 7x9 1/2 ang lapad ng invitation na hardbound.
Kulay beige ang cover nito. Sa extreme right side ng cover ay makikita ang larawan nina Ogie at Regine na magkaharap at hawak ang isang puting payong.
Nakatayo ang dalawa sa gilid ng pavement ng pool at ang background nila ay bundok.
Naka-white-layered sleeves and long gown si Regine na may black belt sa taas ng kanyang waist. May nakalagay na mask sa kanyang noo na may accent na feather.
Ang gown na ito ang isinuot ni Regine sa duet nila ni Ai-Ai delas Alas sa concert ng huli sa Araneta Coliseum, ang Akin ang Tronong 'To.
Si Ogie naman ay naka-black suit at white underpolo.







Mabuti na rin yung ikinakasal at nagagawa ang kanilang gusto, hindi typical at palagi na lang same same pictures and sequences of the ceremony, ok lang naman. Ogie and Reg, wala ba kayong steamy, trying hard sex attention pre video takes like the consunji to be queenie!
hehehe
Good luck RO!
kami dine e bumabati ng kongrats!!
malang ubod ga ng saya ni aydol oge.
best wishes to the queen ms regine
we love you
we will support you
wish namin magka-anak ka rin
from GENERAL SANTOS CITY and proud kapuso