Rachel Alejandro to wed her Spanish boyfriend in Boracay this April

Rey Pumaloy
Tuesday, July 19, 2011 @ 09:58PM  |  163 views


  "It's not going to be easy. Pero, yun nga, siguro kung ano na lang yung mga... It's a matter of scheduling. Saka siguro yung pasensiya na lang. Minsan napu-frustrate ako pag nasa airport ako at nadi-delay yung flight. Iniisip ko, kokonti na nga yung oras namin together, parang umiikli pa. So, it's going to be like that for a while and then eventually, pag malipat siya sa U.S., kasi he has plans of getting transfered there, baka lumipat kami," says Rachel Alejandro about the set-up with her future husband, Carlos Santamaria.

Photo By: Mark Pimentel













Dalawang linggo mula ngayon ay pakakasal na ang singer na si Rachel Alejandro sa kanyang boyfriend na si Carlos Santamaria, isang reporter para sa isang Spanish News Agency na nakabase sa Singapore. 

Gagawin ang wedding rites sa Boracay sa April.

Sa panayam ni Rachel sa Paparazzi noong Linggo, March 27, sinabi niyang isang taon silang naging magkasintahan ng kanyang foreigner boyfriend at dalawang beses ang plano nilang magpakasal. Isa nga ang magaganap sa Boracay at ang ikalawa ay sa Spain kung saan galing si Carlos.

Kapansin-pansin ang tanned skin tone ni Rachel ngayon. Ipinaliwanag naman niyang sinadya niyang magpaitim ng kutis para bumagay sa motif ng kanyang wedding gown na gold.

"Nagpupumilit magpa-tan kasi gold yung... Actually, I chose the color gold for my wedding gown. So, parang maganda kung gold lahat," paliwanag ng mang-aawit.

Sa "Presscon Express" segment ng show humarap si Rachel. Ito ang portion kung saan ang mga invited movie press ang magtatanong sa celebrity guest.

LONG-DISTANCE LOVE AFFAIR. Ayon kay Rachel, hindi naging hadlang ang long-distance love affair nila ni Carlos sa loob ng isang taon.

Ngayong magpapakasal na sila, paanong set-up ang mangyayari sa kanilang dalawa gayong nasa Bangkok, Thailand si Carlos, at si Rachel naman ay dito sa Pilipinas naninirahan?

"Siguro for now, gano'n pa rin," sabi ni Rachel. "Kasi ngayon, ang nangyayari, few days here [Pilipinas], few days there [Bangkok]. Pag may work ako, nandito ako.

"Of course, nandito pa rin yung company ko, the Sexy Chef. Parang ako pa rin yung marketing for the company. 

"Parang hindi pa rin ako totally makalipat ng Bangkok. Plus, of course, talaga namang dito ang buhay ko, yung career ko. Carlos comes once a month."

Bilang isang international reporter, obligado raw na magpunta sa iba't ibang bansa ang kanyang boyfriend. Gaya nga sa Japan, dahil sa earthquake at tsunami na sumalanta sa ilang prefectures doon.

Kuwento ni Rachel, "Nitong nakaraang huling kaguluhan sa Japan, nando'n siya at ayaw niyang umalis doon. Nate-tense ako, may wedding pa tayo! Kasi, di ba, yun yung tawag ng trabaho, e. Even if it's dangerous, kahit na gustong himatayin ang pamilya niya...

"Of course, ako na yung unang-una dahil may wedding pa. Yung sa akin kasi, hindi naman nalalapit sa panganib ang buhay ko kaya okey lang sa kanya."

1  2  3  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name