celeb

JC Tiuseco refuses to talk about rumored ex-girlfriend Maxene Magalona

by Mark Angelo Ching posted on August 20, 2010  STATS: 1556 Views | 7 Comments


  JC Tiuseco details how he has changed since he won the first season of Survivor Philippines: "Siguro pagbabago mas ngayon, feeling ko mas naging responsible, yung responsibility mas malaki na. I mean, siyempre kailangan pag may work ka, punctual ka palagi, you take care of yourself, siyempre hindi ka puwedeng mag-a-absent-absent na lang basta-basta sa mga commmitments mo."

Tatlong beses itinanong ng PEP (Philippine Entetainment Portal) kay JC Tiuseco na iklaro ang mga issue niya tungkol sa napapabalitang breakup niya Maxene Magalona. Tatlong beses din itong tumanggi.

"Hindi, tahimik na ako," sagot nito habang nakangiti. Nakausap ng PEP and young actor and TV host sa launch ng One Naturales sa SM Makati kagabi, August 19.

Ayon kay JC, masaya na siya sa pagiging single at "workaholic."

"Single na ko ngayon," saad niya. "Masaya namang maging single, e. Actually ngayon I can comment na siguro workaholic ako ngayon. Kasi ngayon every day wini-wish ko na may work ako. Kasi pag wala akong work at nasa bahay lang ako, para akong magkakasakit. Parang iba yung feeling ko kapag nasa bahay at walang ginagawa. Gusto ko laging may work."

Malamang ito ay sa dahilang nararamdaman ni JC na maganda ang takbo ng career niya ngayon. Kasama siya sa cast ng early primetime series sa GMA-7 na Langit sa Piling Mo, at host din siya ng QTV show na X-Life.

Aniya, "Oo naman. Super happy. Kasi I couldn't ask for more, like, yun nga, sabi ko nga, hindi pa ko ganun katagal, tapos nabigyan na ko ng stable show. Wala na kong mahihiling."

Nakasanayan na rin raw ni JC ang showbiz.

"Actually, mas comfortable na ako ngayon mag-acting sa Langit sa Piling Mo. Kasi sa crew, mga ibang actors din sa Langit, sobrang bait talaga. Sabi nga nila, yung buong cast ng Langit sobrang bait talaga. So, wala akong masabi talaga. Madaling magtrabaho," pagpupuri niya. Ang mga kasali sa teleserye ay sina Heart Evangelista, Mark Herras, Katrina Halili, Daniel Matsunaga, at iba pa.


Ngunit nang tanungin siya ay nilinaw niyang nararamdaman niyang isa pa rin siyang newbie sa industriya.

"Oo naman, kasi one yar pa lang ako sa showbiz, so ang dami ko pang kailangan matutunan, ang dami ko pang hindi alam. Ang dami ko pang dapat pagdaanan," sabi niya.

SURVIVOR PHILIPPINES. Nakilala si JC bilang unang winner ng reality show na Survivor Philippines. Nabanggit nga ng aktor sa PEP na kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay nais niyang sumali muli sa naturang reality show.

"Gusto ko. Sana. Oh well, pag if ever naman na pag sumali ako ulit sa Survivor, I won't expect na manalo na ulit. It's a good experience na makalaro ulit, tumira ulit sa island," he said.

PEP asked JC what he thinks of the upcoming celebrity season. Of the 18 castaways, JC thinks both Akihiro Sato and Solenn Heusaff have the biggest potential of taking home the million-peso prize.

"Hindi naman spoiler 'to," he said. "Feeling ko kasi, si Solenn ha, kasi I've worked with Solenn before sa Penshoppe [a clothing brand]. Sobrang ano siya, tahimik. Tapos, sobrang bait. Wala kang masabing masama about Solenn. She's a silent worker."

On Akihiro, JC said, "Aki's the same. A jolly person, friendly. Smile, smile lang siya 'di ba? He can easily make friends with anyone. Likable naman sa Aki. Tapos malakas, siyempre Brazilian jujitsu. So malaki ang chance niya na makaabot sa finals."

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

7 Comments

  • pusotisipmo

    08/21/2010 | 05:14 PM
    lalakero na din pala si maxene magalona after mamatay ang ama nya,diba,,hayyy,,,tsk,,sinisira nyo mga sarili nyo,habang bata tamang gawian lang,respeto naman,,well,love kosya at sina CARL GUEVARRA,ARON VILENA,AKIHIRO SATO,JON HALL,JON AVILA,MICHEL MADRIGAL,KRISTINE HERMOSA,NINA JOSE,MAGGIE WILSON,PAULIN LUNA,JAMES REID,IVAN DORSCHER,KAYE ABAD,DIANA ZUBIRI,FRANCINE PRIETO,SHEREE,JC PARKER,DANILO BARIOC,COGIE DOMINGO,PATRICK GARCIA,NADINE SMONTE,STEF PRESCOTT,JACKIE RICE,PAULO AVELINO,KEVIN SANTOS,LANCE CHRISTHOPER,VIVO QUANO,PRINCE STEFAN,WILL DEVAUHN,RAFAEL ROSEL,MATEO GUDECELI,JOSEPH BITANGCOL,JESY MENDIOLA,NELISA RICKS,SAM PINTO,KELY MISA,IYA VILANIA,etc.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pusotisipmo

    08/21/2010 | 05:09 PM
    LAKAS NG STAR Apil din nya,,wag lang syang pasisira sa showbiz ,kas ang tao aayawan ka nila kapag sira ka na at ingatan ang image diba,wag paeexploit,.bakit ba dinidikit nyo lagi si maxene dito?naging sila ba o naligawa ba ito?yan kase ang mahirap sa mga stars jan,ang babata pa nila kaya sila nawawala sa focus at nasisira dahil sa livelife at saka,komo nagkasama sila sa work magliligawan na ba?its a bad attitude at walang proffesionalism mga iyon,tamang work lang,mag ipon muna,sa totoo lang wala pa tlagang career yang si jc,kaya mag focus ka iho,,mas ok makilala mo ng malalim si GOD para tumatag ka at malakas ang self control mo sa life,.bakit itong si maxene ng mawala si francis m,kung sino sino nalang yata nagiging jowa,nagwala na yata at nawala na yung breding at values ni maxene,,ikaw din maxene,mas itinataas ng tao at ni god ang mga babaeng decent at maayos,,godbless,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • joanncabale

    08/20/2010 | 11:11 PM
    cute ng smile nya
    malakas sex appeal.

    jst right project for him lang and right pair

    isa sya sa crush namin sa GMA
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • whitegraypoppy

    08/20/2010 | 03:10 PM
    is he the former ateneo blue eagle?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • thirstytrooper

    08/20/2010 | 12:57 PM
    ito ang na-blind item na binuking ng kanyang ex-gf na BEKIMON!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • badjaobabe

    08/20/2010 | 11:49 AM
    mga loyal kapuso warriors lang talaga ang interesado sa mga c-celebs na mga to..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Belisema

    08/20/2010 | 11:46 AM
    magsitigil kayong mga starless...busy kami ngayon kay papa James at kay Makati Girl na si Kris... mamaya na kayo umeksena!!! kaloka!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About