celeb

FIRST READ ON PEP: Gerald Anderson breaks up with Bea Alonzo in London

by Erwin Santiago posted on December 22, 2010  STATS: 12105 Views | 263 Comments


  Tinapos na ni Gerald Anderson ang anumang namamagitan sa kanila ni Bea Alonzo. Ayon sa source ng YES! Magazine, sa London leg ng Heartthrobs concert tour naganap ang breakup ng dalawa nito lang nagdaang weekend.

Photo By: Noel Orsal

Break na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Ito ang impormasyong nakuha ng YES! Magazine na ipinarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga, November 8.

Ayon sa source, nangyari ang breakup ng dalawang Star Magic talents sa final leg ng kanilang Heartthrobs tour-concert sa London nito lang nagdaang weekend, November 6 at 7.

 

ABRIL, NEW YORK. Bagamat hindi kailanman umamin sina Gerald at Bea tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, marami ang naniniwala na nagkaroon ng relasyon ang dalawa.

Isang source na malapit sa dalawang Star Magic talents ang nagsabi sa YES! na noong Abril ng taong kasalukuyan nagsimula ang magandang pagtitinginan nina Gerald at Bea. Ito ay naganap sa New York leg ng Heartthrobs concert-tour nila.

Sa New York daw inamin pareho nina Gerald at Bea na gusto nila ang isa't isa.

Si Bea, 23, ay attracted daw sa mga tisoy, kung ang pagbabasehan ay ang hitsura ng ex-boyfriend nitong si Mico Palanca.

Samantalang si Gerald, 21, ay matagal na palang may crush kay Bea, simula pa noong Pinoy Big Brother Teen Edition days niya.

Sa New York, inamin ng dalawa sa isa't isa ang kanilang mutual attraction.

Pero umabot lang daw talaga ang dalawa sa pag-amin. Hindi raw nila naipakita ang kanilang damdamin para sa isa't isa dahil wala silang naging pagkakataon na mapag-isa.

Sa New York daw kasi, palagi silang isang buong grupo kung kumilos. At kasa-kasama nila noon ang iba pang Kapamilya stars sa concert-tour—sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, at Sam Milby.

Kasama rin ang mismong ka-loveteam ni Gerald na si Kim Chiu.

Bukod dito, nakita raw nina Gerald at Bea na hindi maaaring basta ilabas sa publiko ang kanilang relasyon dahil sa demands ng kanilang mga showbiz careers.

Alam naman ng lahat kung gaano kalakas sa masa ang tambalan ni Gerald kay Kim, samantalang si Bea naman ay ngayon pa lang nakakawala sa team-up nila ng perennial leading man niyang si John Lloyd.

Ang nangyayari nga sa showbiz ngayon, gusto ng fans na kung sino ang magkapareha sa screen ay siya ring magkapareha sa tunay na buhay. Kaya nagbubuo pa sila ng mga fan clubs sa paligid ng mga tambalang ito—at masama talaga ang loob nila sa sinumang kumalas sa tambalan.

Alam daw ito nina Bea at Gerald kaya tikom-bibig sila sa nararamdaman para sa isat isa.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

263 Comments

  • 263  coricnfa2002

    11/15/2010 | 09:36 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 262  coricnfa2002

    11/15/2010 | 09:32 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 261  elijah_may

    11/14/2010 | 02:46 PM
    mga takot mawalan ng career kaya ok lang na mag suffer ang lovelife.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 260  beige

    11/13/2010 | 01:40 AM
    indenial ang di maniwala [pala] na sila na [beige] koreksyon lang po.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 259  beige

    11/13/2010 | 01:37 AM
    indenial lang ang maniwala na sila bea-ge na, kalat na kalat na po ang pics sa tvp at studio23, exposed na nila pics sa london ng 2 kaya pics dont lie [jl mode] at sabi ni gf sa st.23 pics tells a thousands words. last nite lang to sa d wrap ng st.23 pinas time, look it.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 258  konsensyabudhi

    11/12/2010 | 10:21 PM
    alam nyo di ko alam san ako lulugar sa isyu na ito,,if maniniwala ba ako na may relasyon si bea at ge o hindi,,ano ba tkaga??kase break up na ang iniisyu dito e di pa nga umamin o maliwanag na may relasyon ang dalawa o pawang gawa gawa lang sa mapanirang showbiz na iyan!.bata pa sila,,wag naman,,kilala pa naman si bea na di pashowbiz,,well,wala namang masama tlaga kung sila kaya lang wag ng itago diba,at saka,,so wat!,.kaya lang tlaga ,taliwas sa sinabi ni bea n hindi pa sya ready to commit till she will reach 25 at she wants matured guy at hindi iyong mas bata sa kanya,,wala din namang problema kay kim kase alam nyang hangang loveteam lang sila ni ge,.may kanya kanya silang life,..trabaho lang,,medyo sa isyung ito,masasabi ko na baka maapektuhan ang image ni ge lalo na si bea,..yun lang,,lalo na iwas at tinatago nila tapos totoo pala,,ang masasabi ko din,.pashowbiz at baka ikasira ni ge ang ganitong ugali,na tago ng tao gaya kay PAULIN LUNA noon,tsk,bata pa kayo,just work proffesionaly guys,,baka madapa lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 257  hoperisen888

    11/12/2010 | 05:36 PM
    payatot nga si kim, nagmumukha na tuloy syang matanda sa kapayatan nya...but in fairness maganda naman sya kaya lang sobrang payat nya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 256  totallyfab

    11/12/2010 | 01:43 PM
    Yang mga Kimerald fans na yan ang may problema. OA masyado. Tangapin niyo na kasi at yang si Kim na WALA talagang gusto si Gerald sa kanya! Tapos!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 255  arltun65

    11/12/2010 | 11:03 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 254  beige

    11/12/2010 | 03:18 AM
    284 ang galing mo gumawa ng kwento. kung may baby boom man, syempre cute na cute yon at blessing ang baby, blessing din sa career nila yon, wanna bet. hoi tama na ang pagput down mo kay bea, alam ko na may wicked intentions ka na siraan si bea. ang bitter much, di na maka-moved on, forever bitter.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 253  gelai_wave

    11/12/2010 | 01:33 AM
    Nagyabang ang solid jlc tingnan natin kung magkano kikitain ng pelikula ni jlc kung hindi c bea at sarah kasama niya then compare natin . Nega niya ngayon e may v-lock issue at marami pang iba .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 252  gelai_wave

    11/12/2010 | 01:18 AM
    Baka nga may gag order kaya hindi pa umaamin kaya huwag manghusga. Hay naku wag masyadong maniwala sa mga promotional interview.Hintayin nalang natin star cinema naman is releasing kung magkano total gross ng bawat pelikula nila for the year hindi naman accurate ang BOM . Napakaganda at napakagaling ni bea at lorna sa Sa Iyo Lamang its a highly acclaimed movie at tumagal ng 5 weeks sa sinehan kahit 3rd week na 100 theaters pa rin yung tmhe second week pa lang nabawasan na ang theaters .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 251  msrlyn143

    11/11/2010 | 07:32 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 250  aloha_myaloha

    11/11/2010 | 02:58 PM
    Ang lalaking walang balls!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 249  aloha_myaloha

    11/11/2010 | 02:54 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 248  in_fairness

    11/11/2010 | 11:57 AM
    hindi ako kimerald fan, to be honest wala pa nga akong napanood na pelikula nilang dalawa. pero gusto ko lang magbigay ng opinyon. sa kasong ito, ang simpatya ko, wala sa tatlong ito kundi nasa mga fans! wala namang nailabas ni isang ebidensya tungkol sa mga death threats na yan, pinalabas nilang masyadong masama ang mga fans! sila ang mga tumatangkilik sa mga artista, sila pa ang napasama ang image!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 247  imnotu

    11/11/2010 | 11:56 AM
    controversial din talaga itong Bea Gerald..

    basta sana magka trabaho din sila Bea at gerald soon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 246  winona01

    11/11/2010 | 10:44 AM
    catalina

    i totally agree w/ you!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 245  catalina

    11/11/2010 | 08:02 AM
    ang isang gimmick ay hindi maitatama o maitutuwid ng isa pang gimmick. hindi naman totoong nag-break si gerald at bea. yan lang ang sinasabi para humupa yung tension na na-build sa major major gimmick sa promo nung movie niya with kim. tingnan niyo na lang yung investigation 'daw' ng abs sa mga death threats, walang resulta hanggang ngayon, kaya itong break up gimmick na lang ang pang-salo para magkaron ng peace, love, en harmony sa abs paradise. ang hindi lang kasali dito sa equation ay yung mga fans o fans club na nagamit at nilaglag, kasi hanggang ngayon wala talagang closure para sa mga fans na natural lang na affected sa mga lumabas na hindi maganda para lang i-gimmick yung promo ng movie nila ni kim.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 244  beige

    11/11/2010 | 04:48 AM
    oi purple yam, ano masama sa pics, harmless naman yon, infact nakita na nga ng mga kalaban, bitter much nga sila at kung ano ano pintas sa suot ni bei. fan ka siguro ng lab ano, selos ka din, peace lang. relax ka lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About