celeb

Eula Valdes says she has nothing to do with the inclusion of boyfriend Rocky Salumbides in the restaging of ZsaZsa Zaturnnah Ze Musikal

by Rommel R. Llanes posted on April 19, 2011  STATS: 174 Views | 6 Comments


  "Even before ko pa siya na-meet, pinapahanap na siya, e. Siguro dahil Pinoy ang itsura, ganyan... Wala akong kinalaman sa pagkakapasok niya [sa ZsaZsa Zaturnnah], I swear. Kasi hindi naman ako ang magde-decide kung ano... Nag-o-audition lahat. Kahit ako, nag-audition ako, e. So, wala akong powers na magpasok ng kahit na sino," declares Eula Valdes when asked if she has something to do with her boyfriend Rocky Salumbides's role as Dodong in the restaging of ZsaZsa Zaturnnah Ze Musikal... Vack With A Vengeance

.

Photo By: Noel B. Orsal

Sa ika-pitong run ng ZsaZsa Zaturnnah Ze Musikal sa Cultural Center of the Philippines (CCP) theater company na Tanghalang Pilipino, kasama na ng bida ng musical na si Eula Valdes ang boyfriend niyang si Rocky Salumbides.

Si Rocky ang gaganp bilang Dodong, ang object of affection ng character ni Eula na si ZsaZsa Zaturnnah at ni Ada, na ginagampanan naman ng stage actor na si Tuxqs Rutaquio.

Ang ZsaZsa Zaturnnah Ze Musikal...Vack With A Vengeance ay base sa graphic novel ng writer-illustrator na si Carlo Vergara na Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni ZsaZsa Zaturnnah.

Tungkol ito sa isang beauty parlor owner sa isang maliit na bayan na nakapulot ng mahiwagang bato na nagpapabago sa kanya para maging isang babaeng superhero, si ZsaZsa Zaturnnah.

Noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2006 ay nagkaroon ito ng movie version na ginanapan nina Rustom Padilla bilang Ada, Zsa Zsa Padilla bilang ZsaZsa Zaturnnah, Alfred Vargas bilang Dodong, at Chokoleit bilang Didi.

Sa muling pagbabalik-entablado ng comics turned musical sa Tanghalang Aurelio Tolentino na magsisimula na sa February 18 hanggang March 13, may mga bagong mukhang ipinakilala. Kasama na nga rito ang 30-year-old model boyfriend ni Eula.

Pero kahit na first time ni Rocky sa ZsaZsa Zaturnnah Ze Musikal, hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na nakasama sa isang stage play ang dating PBB Double Up housemate.

Ani Eula, nagkasama na sila noon ni Rocky sa play na ginawa niya noong nakaraang taon na A Streetcar Named Desire.

"Meron kasing role na yung young man," natatawa munang hinto ni Eula bago nagpatuloy, "hahalikan ako. E, sumasama siya. So, sabi ni Direk Floy [Quintos], 'Ba't hindi na lang siya [Rocky] yung halikan mo, para walang problema?'"

Okey naman daw ang naging performance ni Rocky sa stage play na 'yon. Pero para sa 7th run ng  ZsaZsa Zaturnnah, mabilis na nilinaw ng aktres na wala siyang kinalaman sa pagkakapasok ni Rocky rito.

"Hindi naman. Kasi even before ko pa siya na-meet, pinapahanap na siya, e. Siguro dahil Pinoy ang itsura, ganyan...

"Wala akong kinalaman sa pagkakapasok niya [sa ZsaZsa Zaturnnah], I swear.

"Kasi hindi naman ako ang magde-decide kung ano... Nag-o-audition lahat. Kahit ako, nag-audition ako, e.

"So, wala akong powers na magpasok ng kahit na sino. Nasa sa kanila yun," tukoy pa ni Eula sa Tanghalang Pilipino.

"Prerogative nila yun kung tatanggapin nila or hindi. Siguro naman, hindi naman sila kukuha ng hindi able o hindi makakaya. Dahil sila rin yung mapapahiya."

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

6 Comments

  • catalina

    01/27/2011 | 10:55 AM
    e kung nag-audition naman at nakapasa, hayaan na niyo siya magtrabaho. makikita rin naman kung worthy siya pag na-stage na yung show, so wag niyo nang okrayin...in fairness, ang haba ng hair nii eula. hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • FlyNDance

    01/27/2011 | 09:50 AM
    oo nga okay namn yung acting ni rocky sa imortal kahit first acting job pa lang nya yun.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • sagit127

    01/27/2011 | 04:34 AM
    it's unfair to say na never been a good actor si Rocky, cause personally I think that he had given justice to his work on Imortal as a vampire.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • silverngold

    01/27/2011 | 01:25 AM
    siya yung nasa blind item na lilipat ng TV5 pagkatapos ng ginagawang paqnghapon na series... may 2 taping days nalang daw ang natitira at malapit na din daw matapos ang panghapon na drama...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • balaoan

    01/26/2011 | 11:21 PM
    she has everything to do with the inclusion of his BF. anyway, rocky has never been a good actor. he is just riding the back of his sugar momma..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    01/26/2011 | 08:29 PM
    im happy for eula.. i like her since nagtransfer xa sa GMA..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About