"Talagang nakita ko ang pagmamahal ni Robin sa 'kin sa trip na ito. Sabi ko nga, in this trip, Robin made me fall in love all over again," says Mariel Rodriguez.

Photo: Allan Sancon

Pinatunayan ni Robin Padilla kung gaano niya kamahal si Mariel Rodriguez sa sorpresang Europe trip na ibinigay niya sa kanyang maybahay na tumagal ng halos isang linggo. 

Pinagpaalam ni Robin sa management ng ABS-CBN si Mariel na mag-leave sa noontime show na Happy Yipee Yehey! upang makasama sa Europe trip na ito.

Naging usap-usapan na kaya pupunta sa Europe ang dalawa ay para humingi ng permission sa Vatican para makasal sila sa Catholic Church dahil isang Muslim si Robin. (CLICK HERE to read related article.)

Noong Miyerkules ng umaga, August 3, dumating ang dalawa mula sa  Europe.

Dumiretso na si Mariel sa ABS-CBN para mag-host ng Happy Yipee Yehey!. Bagamat may jet lag pa siya, kitang-kita pa rin ang energy nito sa kanyang hosting that day.

Matapos ang Happy Yipee Yehey! ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kamustahin si Mariel tungkol sa kanilang Europe trip ni Robin.

"Masaya, sobrang masaya, sobra akong nag-enjoy!" bulalas niya.

Kuwento pa ni Mariel, "I have magnets, halos lahat ng mga pinupuntahan kong lugar, I bought magnet at nilalagay ko yun sa refrigerator namin, to remind me of the place na napuntahan ko na."

Ano ba ang purpose nila sa trip na ito?

"Actually, wala akong alam. It is just a surprise! 

"Robin was the one who arranged everything, hindi talaga ako.

"Parang honeymoon, birthday celebration ko, pati anniversary na rin.

"Parang all in one na. Pinagsama-sama na."

Ano ang mga lugar na pinuntahan nila?

"We went to Rome and Amsterdam," sabi niya.