celeb

Judy Ann Santos ignores "womanizing" rumors about hubby Ryan Agoncillo

by Nerisa Almo posted on November 22, 2011  STATS: 4244 Views | 88 Comments


  "Nakakatawa na lang isipin kasi ang galing nilang magsulat. Ang galing nilang gumawa ng kuwento, ang galing nila. Puwede silang maging writer ng teleserye, in fairness," says Judy Ann Santos about rumors that her husband Ryan Agoncillo is having an affair with another woman.

Photo By: Noel Orsal

Tinatawanan lang ni Judy Ann Santos ang mga bali-balita tungkol sa pambababae diumano ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo.

Sa press conference ng bago niyang show na Junior Masterchef, na ginanap kahapon, Agosto 10, inamin ng aktres na alam niya ang mga kumakalat na ganitong uri ng kuwento kahit wala siyang personal account sa anumang social networking site.

"Aware naman ako," sabi ng aktres.

"Kasi, di ba, sa panahon ngayon, hindi ka man mahilig mag-social networking, dapat kahit papaano aware ka rin sa mga sinasabi ng mga tao?

"Para naman hindi ka tatanga-tanga pagdating ng panahon."

Sa halip na mag-alala, napapabilib na lamang daw si Judy Ann sa kanyang mga nababasa, lalo na sa microblogging site na Twitter.

"Nakakatawa na lang isipin kasi ang galing nilang magsulat. Ang galing nilang gumawa ng kuwento, ang galing nila.

"Puwede silang maging writer ng teleserye, in fairness.

"Nakakabilib kung paano nila i-push ang mga pinaniniwalaan nilang mga bagay at ang galing ng imahinasyon."

Pinili na rin ng 33-year-old celebrity mom na huwag nang magbigay ng komento sa mga naglalabasang isyu na ito.

Aniya pa, "Hinahayaan ko na lang kasi lahat naman tayo may opinyon, e. At ang opinyon ko, nahuhusayan ako sa kanila."

Siniguro naman niya na hindi siya nagpapaapekto sa ganitong klase ng tsismis dahil, "Kampante ako sa asawa ko, hindi siya 'yong gano'n.

"At very honest na tao si Ryan. Masaktan ka man o hindi, sasabihin niya sa 'yo lahat-lahat.

"'Yong totoo, ilalatag niya lahat sa harapan mo, so hindi ako nadadala sa mga ganyan.

"Kung noon nga hindi ako nadadala sa mga ganyan, ngayon pa na relax na relax ako sa buhay ko?"

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

88 Comments

  • 88  pinaypay2

    01/13/2012 | 06:57 PM
    Ryan tandaan mong naging Mr. Ryan Santos ka. Sikat na si Juday even before dumating ka sana wag mong siyang gamitin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  piggybackride

    08/20/2011 | 01:19 AM
    Ingat pa rin, sa tukso-tukso nag simula si John at Vanessa. Guapa pa naman si Ryan. So ingat at dasal lang iha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  Cypressgard

    08/18/2011 | 10:23 PM
    So I can't post anymore after I did my first for today? C'mon pep, cut me some slack.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  Cypressgard

    08/18/2011 | 10:21 PM
    Halos lahat naman ng mga sumisikat di naman talaga kagandahan. I think Juday's looks is ok. When she had a makeover, I was glad that her "after" turned out very well. All I can say is that she's lucky to be with Ryan, he's not only a good looking guy but a very loving husband.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  guyandpip

    08/18/2011 | 11:32 AM
    Mahiya-hiya naman si Ryan kung may balak siya. He married one of the genuinely decent girls in showbiz. Ang daming rumespeto sa kanya noong sineryoso niya si Juday so dapat huwag niyang sayangin ang lahat. Huwag naman siyang magpakaJanno Gibbs na skirt chaser!! Cheap
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  hooney

    08/17/2011 | 05:03 AM
    malaki talaga kaibahan nung mag BF GF palang sila compare now, mas gusto ko aura ni Juday noon, mas maganda pati mga make over niya noon!!!ngayon parang kung hindi brown eh color black lang ang mga combination, dahil ba ito kay Ryan juday?ayaw ba niya ng masyadong nakakapukaw ng pansin?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  kikay75

    08/16/2011 | 01:10 PM
    Gosh ang sikip..parang ako ang hindi makahinga..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  inggiteraparin

    08/15/2011 | 09:12 PM
    sabi ni transuderrr dyan sa pinas ibig sabihin wala sya sa pinas tapos sasabihin ung katulong nila mas maganda pa kay juday sige kasi tutuo namang plain looking si juday like sharon cuneta, pops fernandez and others na gumaganda sa make up pero wala sa pinas si transcuder pero may katulong? bwahahahahhaha. mayabang din ako pero yan ganyang pagyayabang na questionable mapapatawa ka talaga! ako nasa ibang bansa din pero bakit ako kukuha ng katulong kahit kaya ko magbayad aber? kung sa pinas nya sinabi may maid sila...pede pa! NAMAN! ober da bakod na ang pagkailusyunada mo ineng eh binabanatan mo nga perfume lang ni paris hilton na mura at gusto mo bag nya ha eh magkano yan..bwahahahhahaha magyabang ka rin lang ung mukha ka pang trying hard. ipinagyabang ang paris hilton products hahaahhaah sabagay okey naman yan talaga pero bibili din lang ako ng bag eh papatulan ko na DnG na bag. kalurky iba dito!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  flourpower

    08/15/2011 | 07:20 AM
    tama naman sinasabi ni transducer eh. mga pinoy sobrang mapanghusga sa mga julalay. bakit nde nyo paaralin sila para nde sila maging julalay forever. transducer, baka takot sila na mahigitan ang mga amo ng mga julals pag nakapag-aral na. hahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  czeska221

    08/13/2011 | 09:38 AM
    Juday, fret not,Ryan loves you and God will always protect your marriage. Just continue praying for your married life, and most of all pray for the evil doers that they will be enlightened.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  maulap

    08/13/2011 | 05:52 AM
    we love you juday, keber sa mga mapanglait.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  transducer

    08/12/2011 | 09:56 PM
    Sorry Juday. Peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  transducer

    08/12/2011 | 09:38 PM
    If you read my comment number 3, mild lng naman yung pagka stress ko sa aking saloobin, yung strong reaction ng fans were responsible for taking that sentence out of order and blown out of proportion. Ayaw ko naman manlait noh, si Juday ay very talented like I have mentioned over and over and over again. Siguro ganon talaga kababa ang antas ng julalay sa Pinas dahil noong sinabi ko na she looks soo plain you'd mistake her for a housemaid, nagwala yung mga fans. Pero totoo naman yung sabi ko, mas maganda naman si Manang, maid namin, kay Juday. Pero si Manang walang talent katulad ni Juday. Peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  transducer

    08/12/2011 | 09:31 PM
    75 Ehemm, try harder, hehehe. Nagsalita na si Juday sabi nga nya walang perfect na tao at sana wag daw below the belt yung mga hirit. Di naman daw sya namre mresure na bumait yung mga laitera pero hinay hinay lang daw. Magaling ang pagksabi so, nag so sorry na ako kay Juday. Peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  panyan

    08/12/2011 | 09:15 PM
    AnyagAmihan,yaan na natin c transducer sa ilusyon n'ya na may katulong xa.sus! ang ganyang ugali mukha ba 'yan can afford magbayad ng katulong! xa kamo ang kinakatulong. bwahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  indaysabalitaw

    08/12/2011 | 07:48 PM
    Opinions vary so let them be, ISA Lang naman siya dito ang nanlalait eh, she may look julalay herself, again that's my opinion too. What matters most is that we are behind and we will support her all the way. Judai, if you happen to read all our comments here, pls. prove to this person that you are NOT what she thinks you are.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  transducer

    08/12/2011 | 04:55 PM
    Asus, yan ang Pinoy, matampuhing unggoy. Cannot take a criticism. Defensive na Pikon. Bawal na pala magsalita ng katotohanan ngayon? Pag sinabi kong mukhang julalay si Natalie Portman magagalit ka ba? Mukhang aleley si Kim Chiu, magiging defensive ka ba. Kay Juday ka lang naman galit na galit dahil totoo. TRUTH HURTS. Wag nyo ko pakialaman sa opinyon ko. Sinabi ko nman na magaling si Juday, pero it won't change the fact na for me mukha syang julalay, tapos! Wag mo kong diktahan sa pananaw ko. Na para ma please ka lang eh magsisinungaling ako. No way. Pag maganda maganda. Pag di ko type. Aminin din! Peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  Anyag_amihan

    08/12/2011 | 04:49 PM
    Transducer, maganda ka ba? pakita mo nga pics mo, hehehe. Makapagsalita ka akala mo naman kung sino ka. Bakit mga katulong mo ba pinag-aaral mo ngayon? O baka ikaw ang katulong? Pinag-aaral ka ba ng amo mo? You're right when you said you are entitled to your opinion, heto opinyon ko lng to ha...at entitled ako dito hehehe...parang pinalaki ka sa masamang hangin...wala kang asal.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  transducer

    08/12/2011 | 04:09 PM
    May malasakit pala kayo sa mga aleleys at housemaids, pues tulungan ninyo ang kapwa ninyo Pinoy, paaralin ninyo mga housemaids ninyo at ihalal ninyo ang Opisyal na tunay na makagagawa ng paraan upang isulong ang kapakanan ng mamamayang Pilipino. Kilala naman sa buong mundo na Pinas ang nangangalakal ng mga yaya at dh worldwide, tapos nahihiya kayo na hawig ng actress ninyo mga julalay? Kung nirerespeto ninyo mga julalay as what you are claiming di kayo magiging defensive sa katotohanang si Juday ay mukhang Julalay. Tapos. Peace tayo. Wake up Pinoys. Help yourselves.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  transducer

    08/12/2011 | 03:44 PM
    If you are reading correctly, sabi ko nga mas maganda pa ang housemaid ko kay Juday. Bakit masyado kayong defensive at super explain? Convince yourselves mga pikon. Ang discrimination ay nasa isip ninyo. Saan ba sangkaterba ang mga julalays, sino ba ang hilig mag discriminate at mang api, kayo ring mga Pilipino! Mga artista natin dyan ang hilig kumuha ng aleley or julalay tas di naman binabayaran, worst, ay sinasaktan pa eg. Maricel Soriano. Sa first world countries di ganon ka talamak ang sistema, unless for the Royal Families. Ayaw nyo palang i discriminate ang mga housemaids, pues paaralin ninyo sa gabi, para hindi sya housemaid forever. Wag kayong mag inarte, dyan sa Pinas mga katulong at yaya ay usually lulan sa Bisaya, like Iloilo, Cebu and Panay, ni walang SSS, di dinadala sa doctor pag sira ang ipin o bungal. Asus, magagalit pa yan pag sinabi kong 3rd world kayo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About