[x]


Ang sweet naman talaga ni Dingdong Dantes at Marian Rivera (above) sa launching ng Biblio, isang coffee table book na naglalaman ng iba't ibang glamorosong pictorial ng talents ng PPL, nuong Sabado. Makikitang happy naman sila sa takbo ng relasyon nila ngayon.

Photo: Noel Orsal


Puno ang The Establishment sa The Fort, Taguig City kagabi, September 9, kung saan idinaos ang 2nd anniversary ng PPL (talent management ni Perry Lansigan). 



Isinabay na rin dito ang launch ng Biblio, isang coffee table book na naglalaman ng iba't ibang glamorosong pictorial ng talents ng PPL na kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Arthur Solinap, Carlo Gonzales, at Carl Guevara.

Pati na ang mga bagong alaga ni Perry na sina Janno Gibbs, Wendell Ramos, Rochelle Pangilinan, LJ Reyes, Wilma Doesnt, at Max Collins.

Layunin ng photo book na makalikom ng karagdagang pondo para sa school building projects ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong.  Siyempre pa, naroon ang girlfriend ng aktor na si Marian Rivera para sumuporta.

Ang sweet nga nila sa isa't isa that night. Makikitang happy naman sila sa takbo ng relasyon nila ngayon. Talagang magkadikit lang sila habang ini-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

As always, full support lagi si Maria basta rin lang para kay Dingdong.

"Oo naman," nakangiting sabi ng aktres. 

"Basta kung nasaan si Dong, nasa likod lang niya ako," sabay sulyap ni Marian sa aktor.

"Pero ngayon nasa likod mo ako, e," biro naman ni Dingdong kay Marian dahil nakatayo siya sa gawing likod ng dalaga.

At pagkatapos ay nagkatawanan sila pareho.

Hindi lang naman daw si Dingdong ang rason kung bakit mas happy at inspired si Marian ngayon. Labis din daw niyang ikinatutuwa na ang pinagbibidahang epic serye niyang Amaya sa GMA-7 ay maganda ang nakukuhang rating at na-extend pa.

"Actually, dapat matatapos kami ng October. Tapos biglang naging November. Tapos pinag-uusapan kung hanggang next year pa siya.

"So, malalaman ko kung paano ang magiging set-up tungkol sa Amaya."

THE SECRET. Balik tungkol sa kanila ni Dingdong ang usapan. Ano nga ba ang sikreto at kahit laging iniintriga ang kanilang relasyon ay matatag pa rin ito?

"Sikreto? Daddy, sagutin mo," natawang ipinasa ni Marian ang tanong kay Dingdong.

"Siyempre, 'yon nga... pagtitiwala at pagmamahal," ana'ng aktor.  "At saka... pasensiya."