[x]


Ang sweet naman talaga ni Dingdong Dantes at Marian Rivera (above) sa launching ng Biblio, isang coffee table book na naglalaman ng iba't ibang glamorosong pictorial ng talents ng PPL, nuong Sabado. Makikitang happy naman sila sa takbo ng relasyon nila ngayon.

Photo: Noel Orsal

Aniya, "Kasi ganito 'yan... gagawa kasi siya [Marian] ng album. Pero private album lang. Para sa akin lang. At ididirek ko ang MTV no'n."

Magiging awkward ba sa pakiramdam ni Marian kung ididirek siya ni Dingdong?

"Ayoko!" tumatawa-tawa pa ring sabi ng aktres. "Ayoko. Ayoko.

"Tanungin n'yo kung kaya niya [Dingdong]! Kung kaya niya akong idirek."

May pabirong reaksiyon naman si Dingdong.

"Di ba, ang artista may ka-dobol?" ana'ng binata. 

"May ka-dobol din ako bilang direktor. Hindi... joke lang."

Gandang-ganda ang lahat kay Marian ng gabing 'yon. Blooming siya, fresh na fresh ang aura at talagang umaapaw ang happiness sa hitsura niya.

"Basta nandiyan si Dingdong," biro niyang reaksiyon.

"At saka ang buhay-artista naman ganyan talaga. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon palaging may intriga o palaging walang intriga.

"So, siguro tamang pagha-handle lang. At kapag tama ang mga taong nakapaligid sa 'yo, magiging okey lahat talaga. At magiging happy ka. Di  ba?"