[x]


Ang sweet naman talaga ni Dingdong Dantes at Marian Rivera (above) sa launching ng Biblio, isang coffee table book na naglalaman ng iba't ibang glamorosong pictorial ng talents ng PPL, nuong Sabado. Makikitang happy naman sila sa takbo ng relasyon nila ngayon.

Photo: Noel Orsal

"Oo naman. Oo naman.

"At kung magkakaroon ng pagkakataon na meron akong free time, pupuntahan ko sila. Para madalaw ko sila sa set," sabi ni Marian.

ON RHIAN. Muling magkatambal sina Dingdong at Rhian Ramos sa isang soap ng GMA-7, na may workign title na Sundo

Wala namang problema sa kanya ang tungkol do'n?

"Ay, wala. At saka okey naman kami ni Rhian.

"Kahit naman siguro sinong maka-partner ni Dong, okey sa akin. At alam niya iyan. 

"At saka ever since naman, wala namang naging problema. So, wala talaga.

"Palagi ko namang sinasabi na okey lang kahit sinong maka-partner ni Dingdong. Oo naman. 

"Hindi ko alam kung bakit nagkakaroon ng mga isyu, di  ba?

"Basta all the way akong nakasuporta sa likod niya kahit sino pa ang maka-partner niya."

May nasabi si Dingdong na gusto raw siyang idirek?

"Ayoko!" bulalas ni Marian.

Bakit naman ayaw niya?

"Ayoko."

Sumingit si Dingdong.