Biro ni Lovi Poe sa presscon ng FHM Collections kanina, September 9, sa Crowne Plaza Hotel sa Pasig City, "the best" ang naging relationship nila ng elepanteng ginamit sa kanyang FHM September 2011 issue cover.
"I had so much fun. I think the best relationship ever!" natatawang pahayag ng 22-year-old Kapuso star sa harap ng mga imbitadong press, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Sa Thailand nag-photo shoot ang FHM team at si Lovi, at ang ginamit daw na elepante sa pictorial ay ang mismong elepanteng sinakyan ng Thai actor na si Tony Jaa sa 2003 Thai martial arts movie na Ong Bak.
"Nakaupo ako sa tusk niya, tapos tinutulak niya ako, so, nahuhulug-hulog ako. I had so much fun."
Hindi raw siya natakot, dahil bago siya nag-pose sa malaking elepante ay ang photographer nilang si Mark Nicdao muna ang nakipaglaro rito.
Speaking of relationship, tinanong na rin si Lovi kung handa na ba siyang pumasok sa bagong relasyon, lalo na't madalas silang nakikita ngayon ni Jake Cuenca na isinama pa siya sa nakaraang Star Magic Ball kamakailan.
"You know... I think it's best this way. No complications," nasabi na lang ni Lovi.
Pero inamin naman ng anak ng tinaguriang King of Philippine Movies, Fernando Poe Jr., na sobrang close sila ni Jake. Ang half-Spanish, half-Filipino na actor daw ang tipo ng lalaking puwede mong makakuwentuhan ng kahit na anong topic.
"We're really good friends. We got along really well sa My Neighbor's Wife, and he's a really good guy.
"So, it's actually fun to hang out with somebody who you enjoy being with.
"And we can talk about anything. It's hard to find someone that you can actually talk about anything with.
"I think he's that person na I can just sit down, and talk about anything."
Tinanong naman ng PEP si Lovi kung totoong may pag-uusap na tungkol sa kanyang paglipat sa ABS-CBN, kaugnay ng pagdating niya sa Star Magic Ball.
"No, no, no. I am very much still with GMA, and I was just invited by Mr. Jake Cuenca to escort him, since we really got along sa movie namin na My Neighbor's Wife.
"I had fun there. It was a great experience," sagot pa ni Lovi tungkol sa rumor ng paglipat ng network.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
15 gorgeous_aleck
14 greencardholder
13 blondie
12 DEI
11 jakar
10 kansilay
9 Libertad
8 patabel
7 jjjjjjjjjj
6 Bebangs
5 AKOKAZE
4 kapamilyaito
3 MARKY2000
2 mark67
1 ayabaolinteu2