Simula nang mapanood ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim sa My Binondo Girl ng ABS-CBN, marami na ang kinikilig at sumusubaybay sa team-up nila.
Pero sa likod nito ay ang usap-usapan na diumano'y may namumuo ngang higit pa sa kanilang tambalan onscreen.
Diumano'y tila nakahanap na ng bagong pag-ibig si Kim, pagkatapos ng relasyon nila noon ni Gerald Anderson, sa katauhan ni Xian.
Kasabay na rin ito ng pag-usbong ng tambalan nilang "Jandy" sa kanilang serye.
At si Xian naman, tinotooo na raw nito ang pagpaparamdam kay Kim.
FEELINGS FOR EACH OTHER. Sa panayam ng dalawa sa The Buzz noong Linggo, November 6, tinanong sina Kim at Xian kung ano nga ba ang nararamdaman nila sa isa't isa.
Ayon kay Kim, "Hindi naman kami nag-uusap sa mga eksena namin.
"Kinakausap kami ni Direk, e, yun, nilalaro-laro lang namin.
"Tingin-tingin, tawa-tawa, smile-smile...
"Hindi namin alam na, 'Ay, marami na palang natutuwa.' Ganoon."
Nako-conscious ba sila dahil sa mga biro ng ilan sa kanila?
Nagkatawanan ang dalawa bago sumagot.
Sabi ni Kim, "Hindi naman."
Ayon naman kay Xian, "Yung first, I would say na medyo naano ko, yung eksena na nagpasalamat siya, tapos bibigyan niya ako ng kiss sa cheeks, tapos bigla akong gumano'n.
"I'll be honest, talagang pinapawisan ako.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
70 simplicity_15
69 heinez
68 heinez
67 marawicity
66 marawicity
65 super_gc
64 kilabotako
63 jammm19
62 jammm19
61 szepep
60 bessie31
59 stubbiz
58 lyka25
57 Fedith
56 Charllote11
55 ImNotStupid
54 someonelikeME
53 Karryle
52 kapusoakotalaga
51 Misty25
more comments