Kinumpirma ng isang reliable PEP source na hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Dawit sa breakup ng dalawa ang dating nakarelasyon ng aktor na si Ruffa Gutierrez (inset).

Photo: Noel Orsal

Humantong nga raw ito sa breakup ng dalawa, na hindi pa nila ipinapaalam sa publiko.

Bagamat hindi malinaw kung sino ang nakipag-break, ayon sa source ay mahihinuha na posibleng si John Lloyd ang nakipagkalas dahil siya ang may isyu kay Shaina.

SHAINA'S JEALOUSY. Sinabi rin ng source sa PEP na "devoted" at "in love" talaga si Shaina kay John Lloyd.

Yun nga lang, dala-dala pa rin ng young actress ang pagiging selosa, na unang nasilayan ng publiko nung Enero ng taong ito, nang tawagan ni Shaina si Ruffa nang madaling-araw.

Ang isyu ni Shaina kay Ruffa ay ang patuloy pa rin daw na komunikasyon sa pagitan nina Ruffa at John Lloyd bagamat boyfriend na niya ang aktor.  

Sabi naman ni Ruffa, kung may problema raw si Shaina sa komunikasyong iyon, si John Lloyd ang dapat nitong kausapin at hindi siya. (CLICK HERE to read related story.)

Bagamat totoong may insidenteng naganap sa pagitan nina Shaina at Ruffa, hindi na lumaki ang isyung iyon dahil nagdesisyon diumano ang Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na humahawak sa careers nina Shaina at John Lloyd, na huwag nang magbigay pa ng dagdag na statements ang dalawang young stars.

Isang "pribadong pag-uusap" ang hinanda ng Star Magic para pagharapin sina Shaina at Ruffa. Naging maayos naman daw ang pag-uusap ng dalawa.

JOHN LLOYD-SHAINA RELATIONSHIP. Matatandaang inamin ni John Lloyd ang relasyon nila ni Shaina sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz noong June 20, 2010—o apat na araw bago ng kanyang 27th birthday. (CLICK HERE to read related story.)

Maraming pinagdaanan ang relasyon nina John Lloyd at Shaina.

Kabilang na rito ang pagkakaugnay ng guwapong aktor sa iba't ibang babae, kabilang na nga si Ruffa, at ang malisyoso at walang katotohang tsismis na naospital daw ang magkasintahan dahil sa isang rare health condition na kung tawagin ay "penis captivus." (CLICK HERE to read related story).

Sa kabila ng pagpukol ng iba't ibang isyu sa kanila ay naging matatag ang samahan nina John Lloyd at Shaina.

Sa interview ni John Lloyd sa The Buzz noong June 12, 2011, ang pribadong aktor ay nagsalita sa mga taong gumagawa ng isyu sa kanila ni Shaina:

"Sa dami na nang pinagdaanan, mga sinabi, mga binato sa amin, tanggap naman namin na parte 'yan ng trabaho namin.

"Pero sana, matuto silang tumahimik na, dahil wala naman kaming ginagawa...kung sinuman ang mga nag-iimbento."