Are Marian Rivera and Dingdong Dantes living in? "Pinupuntahan ako ni Dong sa bahay kapag may time.  Ako rin, pumupunta ko sa bahay nila. Minsan kasi, ini-invite rin ako ng mommy niya. So, kumakain kami ro'n," explains Marian. "Wala akong nakikitang masama kung pumupunta siya at pumupunta ako [dahil] nasa tamang edad naman na kami at hindi na kami mga bata. At saka, may kanya-kanya kaming bahay, may kanya-kanya kaming trabaho."

Photo: Noel Orsal

Hanggang October lang sana ng taong ito ang Amaya, ang epicserye ng GMA-7. Pero dahil sa napakataas na rating nito, extended ang primetime series, na pinagbibidahan ni Marian Rivera, hanggang sa January of 2012.

Pumasok na nga ang ilang Kapuso stars ngayon tulad nina Yasmien Kurdi at Aljur Abrenica. Si Aljur bilang pinakabagong leading man ni Marian sa Amaya.

At dahil baguhan ang dalawa sa epicserye, tinutulungan daw ni Marian ang mga ito sa kanilang characters.

"Okay naman kami pero siyempre, nangangapa sila. Bilang matagal na rin ako sa Amaya, tinutulungan ko sila ni Yasmien kung paano mag-deliver ng mga linya.

"Minsan kasi, kapag sobrang lalim, parang tumutula. So, nire-remind ko sila na hindi sila ma-o-offend. Tipong bumubuwelo naman ako."

Biro naman namin kay Marian, tipong naging acting/voice coach pa siya.

"Hindi naman. Hindi naman. Pero gusto ko lang i-open sa kanila na pwedeng magkamali. Mahirap naman talaga."

Nakasama na ni Marian si Aljur sa ilang projects.

"Nagkatrabaho na kami sa Dyesebel, sila ni Kris Bernal. Tapos sa Temptation Island, ang tagal ko rin nakatrabaho 'yan. "

Kung tutuusin, Marian really lives up to her title of Primetime Queen, dahil ang Amaya has become the longest-running series and highest- rating primetime soap ng network.

Ayon naman kay Marian, "Siyempre thankful ako sa lahat ng bumubuo ng [serye] sa GMA. Pero higit sa lahat, sa mga taong nanonood at sumusuporta."

Tinanong ng PEP.ph (Philippines Entertainment Portal) si Marian kung ine-expect ba niya na tatagal at mag-e-extend pa until next year ang Amaya.

"Ine-expect ko na ang soap hanggang three to four months lang.

"Ang alam ko talaga, doble siya. Pero hindi ko ine-expect na triple pa siya. 

"So, wala lang, ang saya lang. At least, nakaka-proud noong mapanood ko ang VTR namin."