celeb

PART 1. Ruffa Gutierrez explains why her relationship with John Lloyd Cruz ended

by Arniel C. Serato posted on February 10, 2012  STATS: 9955 Views | 129 Comments


Ayon sa tell-all interview ni Ruffa Gutierrez (left) sa Paparazzi Showbiz Exposed sa TV5, nag-umpisa ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz (right) nuong March 2009. Naghiwalay ang dalawa nuong February 2010.

Photo By: File photo

Tatlong bahagi ang naging exclusive tell-all interview ni Ruffa Gutierrez na lumabas sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 kaninang 1:30 p.m., November 6, 2011.

Hinimay ng programa ang mga detalye at kung paano nabuo ang love affair ni Ruffa at ni John Lloyd Cruz.

HOW IT STARTED. Ayon pa sa unang bahagi ng panayam sa detalyadong VTR (Video Tape Recording) na may titulong "Kabit-kabit na Kontrobersiya," taong 2008 nang magkakilala sina Ruffa at John Lloyd.

Ito ay sa set ng I Love Betty La Fea.

Coming from diverse backgrounds, the two started out as friends.

They were in a serious relationship by March 2009.

Pero ito ay patuloy na inilihim ng dalawa.

Dumating na sa puntong pati ang ina ng Miss World 2nd Princess, si Annabelle Rama, ay nagpahayag ng kanyang pagtutol sa diumano'y nabubuong relasyon sa pagitan ng kanyang anak at ni Lloydie.

June 24, 2009, naging special guest ni Ruffa si John Lloyd sa kanyang exclusive birthday party na ibinigay ng kanyang kaibigang si Noel Oñate.

Dito na siguro malayang ipinaramdam ng magsing-irog ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

At nung June 30, 2009, halos nakumpirma na nang karamihan ang kanilang "itinatagong relasyon" nang lumabas sa isang tabloid ang litrato nilang dalawa na pumasok sa SLS Hotel sa Beverly Hills, sa California.

Sabay na lumabas ang litrato sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero hindi pa rin ito naging hudyat upang tuluyan nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.

Tinanong ni Mo Twister ang kanyang co-host, kung paano nagsimula ang kanilang relasyon at bakit nila pinanatiling lihim ito hanggang sa maghiwalay na sila.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

129 Comments

  • 129  ellajane

    11/10/2011 | 06:51 PM
    Ruffa is trying to change history! If people looked at the interviews and news during that time, different story to what she is saying now!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 128  ellajane

    11/10/2011 | 06:48 PM
    What lies! Firstly - you DO broadcast your life - if not you, your mother - your issues with Lani, with Kris, with Shaina - all came from you or your camp! Secondly - your relationship ended because your mother did not approve. JL not rich enough.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 127  pinaypinay

    11/10/2011 | 01:55 PM
    Grabe manginginom pala c papa john llyod!?! Eto nmn c ruffa kiss and tell pati b nmn ung mga ganyang bagay e ikwnto pa in public? Sa ginagawa nyang yan isa lang ang obvious e BITTER HERB ka ateng! Hehehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 126  am_not_a_princess

    11/10/2011 | 09:04 AM
    bad for JLC's carreer ---- pagka alcoholic niya....sayang cya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 125  exclusibo

    11/09/2011 | 10:55 AM
    When you look at the ads where this guy appears, it has now a whole new meaning knowing that this guy is a drunkard.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  updatedako

    11/08/2011 | 10:06 PM
    Nilaglag ni Ruffa c JLC eh kung ilaglag rin kaya sya nito at sabihing kaya kita iniwan kasi di ikaw ang tipong sineseryoso - nagsasayaw at ewan kung ano pa sa Brunei, dalawa ang sabay na asawa, nakipagrelasyon kay Bong na may asawa, nagtanan kasama c Dennis daSilva, papalit-palit ng lalaki, nagpakita ng hinaharap sa Pinakamagandang Hayop na movie. Mababang klaseng babae!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  gagaka_noh

    11/08/2011 | 05:04 PM
    111 shingaling20 abnormal ka noh o monggol! kailangan mo pa tlgang mag banggit ng pangalan ng taong wla nman kinalam sa article na to eh noh! Bka ikaw ang sawsawan ng mga kpitbhay mo! Thick ng faze mo magcomment ng ganyan as in! Im not fan of anybody pero to thé rescue ako sa mga taong wlang gingawang msama tpos bina bad mouth! Gawin kitang sangkalan eh!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  StocksAndBonds

    11/08/2011 | 04:08 PM
    kailan ba naging mabait itong si john lloyd??? ubod ng yabang panot naman!!! akala niya porket artista siya, lahat luluhod sa kanya. eh hindi naman lahat ng pinoy maka-showbiz at hindi rin lahat ng gusto ng taga-showbiz ang laging nasusunod!!! to joseth- sana nung tinanong ng JL ang kuya mo kung di niya ba siya nakilala? sinabi niya sanang hindi dahil nakakasilaw ang noo at anit niya!!! LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  sashimigirl

    11/08/2011 | 03:14 PM
    ruffa papansin ka talaga! buhay ng ibang tao ang kinakalkal mo! eh kung yung buhay mo kaya ang i-broadcast mo. ayaw pa din tigilan si john lloyd!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  winonao1

    11/08/2011 | 03:00 PM
    i agree kailangan ni jlc ng professional help, pag addiction na kasi mahirap yang labanan kung iaasa mo lng sa will mo na hindi kana iinum kasi hahanap-hanapin talaga yan ng katawan mo like in this case alcohol.. may medication at psychotheraphy naman para tulungan ma-overcome ng isang tao ang addiction
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  StocksAndBonds

    11/08/2011 | 02:42 PM
    nagulat pa kayo?!? kabardada ang 2 yan nina baron. this is actually an open secret among showbiz insiders- ang pagka lasenggo ni john lloyd!! swerte nga at harmless ang reaction niya pag lasing... for now.. pero this still does NOT make it right. maghihintay pa ba ng may mangyaring masama sa kanya or na may isang masamang pangyayaring kagagawan niya??? alcoholism is a bad addiction. HE NEEDS TO GET HELP ASAP!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  Pakiko1005

    11/08/2011 | 02:33 PM
    Roppa! Bakit di mo na lng ikwento sa bansa kung kelan ka unang kinasal sa non showbiz at nag pakasal ka pa uli kay Ylmas. Pare-pareho lng kayo ng nanay mo. The na nag papa-interview ka, pinapalita mo lng na bitter ka talaga. Kung c JL adik sa alak, kayo ng nanay mga kspatid mo adik sa kontrobersyal!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  winonao1

    11/08/2011 | 12:33 PM
    exclusivo-- ang sinasabi ko bitter masyado si ruffing kasi si jlc kinampihan si shaina kaya ayun kulang nalng ipagsigawan na si jlc eh alcoholic. clearly ang motibo ni ruffing ay dahil gusto lng nyang GUMANTI. now tinatanong mo kung good role model ba si jlc dahil alcoholic sya ofcourse dear HINDI! pero inamin naman ni jlc dba na he is struggling sa pagiging alcoholic nya? inaamin naman nya na may kailangan syang ayusin sa sarili nya?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  Joseth

    11/08/2011 | 11:59 AM
    Ngayon lang may naglabas ng tunay na ugali ni JLC, tagal na kaya nyang ganyan at medyo may kayabangan din sa personal. bakit? kase naka encounter na namin sya sa may Alabang town center sa harap ng isang resto don, sinita lang sya ng kuya ko dahil sa hindi maayos na parking ng sasakyan nya nanduro na agad sya at ang sabi, bakit? hindi mo ba ako nakikilala kung sino ako ha??? Im not sure kung lasing sya non o hindi kase medyo maaga pa naman yon. Buti na lang may umawat na gwardya kaya natapos din ang mainit na pagtatalo. Kaya wla sa labas na hitsura ang tunay na ugali ng isang tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  llanes

    11/08/2011 | 11:37 AM
    ibang klase talaga itong si jl ano pa ang gusto nya sa buhay nya sikat guapo bakit sinisira pa nya ang buhay dahil lang sa matandang to you should be a role model kc marami kang fans hindi alcoholic at babaero kung si liz sana ang binanalikan mo okey pero sa tanda ni ruffa hindi kayu bagay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 114  exclusibo

    11/08/2011 | 11:18 AM
    112 ano ba ang sinasabi mo? Bakit nadamay na naman ang iba sa usapang ito. Bakit hindi na lang tanggapin na lasenggero si JLC and that is now a known fact. So is a lasenggero a good role model?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  sa_totoo_lang

    11/08/2011 | 11:07 AM
    What Ruffa is trying to send to people is a message na may karapatan siyang habul-habulin si JLC kahit sinasabing niyang baka iyon ang akala ng mga tao. Eh ano pa nga kaya?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  winonao1

    11/08/2011 | 10:17 AM
    kawawang jlc nilaglag ng bonggang bongga ni ruffa lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  shingaling20

    11/08/2011 | 10:13 AM
    ang artista ba ng gma malilinis? lahat ng mga yan packaging lang..si marianita? hahahaha..isa din yan..sawsawan ng bayan! pambansang pampam
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 110  exclusibo

    11/08/2011 | 06:35 AM
    Talagang iba klase ang baho ng mga artista ng ABS. Puro packaging lang ang makikita pero once opened makikita mo nag kasamaan ng ugali ng mga artista ng ABS. So JLC is now Mr. Alcoholic instead of mr cool daw. Puwede pa lang mr cool din si Baron Geisler dahil nagpa-rehab na siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About