Dingdong Dantes (left) and Marian Rivera (right) answer questions from the entertainment press, Friday, January 13, at the airport, prior to leaving for Singapore. They were accompanied by their managers.

Marian surprised reporters with her new hairstyle.

"Para bagong show, bagong hitsura, tsaka bagong utak," she says, laughing. "Kasi tapos na ang Amaya, hindi naman sa gusto kong burahin [si Amaya]. Gusto ko naman paghandaan si Czarina sa My Beloved."

 

Photo: Gorgy Rula


May bagong look si Marian Rivera nang dumating ito sa departure area ng NAIA Terminal 2 kahapon.

Nagpalit ng hairstyle ang aktres bilang preparasyon sa bago niyang teleserye sa GMA-7, ang My Beloved.

Umalis sila ni Dingdong Dantes patungong Singapore para sa ilang araw na bakasyon kasama ang kanilang manager na sina Perry Lansigan at Popoy Caritativo.

Naunang dumating si Dingdong sa airport dahil siya ang nag-check-in sa kanilang lahat.

"We're taking a short trip to Singapore kasama ng mga managers namin.

"Para naman ito kay Marian, kasi 10 months siya nag-taping ng Amaya.

"I think she deserves a short vacation kahit papaano, para recharged yung body, mind and soul para sa pagsabak ng My Beloved," pahayag ni Dingdong sa entertainment press kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Kahit tatlong araw lang at least magkakasama kaming lahat tapos relax lang."

Ang sabi naman ni Marian, "Tsaka ako din after Amaya bigyan man lang ako ng tatlong araw yung sarili ko na makapag-aliw-aliw."

Tuwang-tuwa ang aktres at ikinuwento sa media na nagulat daw si Dingdong nang ipinakita nito ang bagong gupit niyang buhok.

Isa lamang ito sa paghahanda niya para sa role na gagampanan sa My Beloved.

Kuwento ni Dingdong, "Nung nakita ko siya kahapon e, akala ko ibang tao. Matagal na kasi niyang pinaplano yun.

"Gusto niyang mangyari iyun. Alam mo naman kahit anong buhok niya e, sobrang ganda talaga ni Marian."

Pahayag naman ni Marian, "Para bagong show, bagong hitsura, tsaka bagong utak," sabay tawa niya.

"Kasi tapos na ang Amaya, hindi naman sa gusto kong burahin [si Amaya]. Gusto ko naman paghandaan si Czarina sa My Beloved.