Malaking balita sa showbiz nitong weekend ang tungkol sa annulment case ni Ruffa Gutierrez sa kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas.
Matapos nga ang tatlong taong paghihintay, noong Biyernes, Pebrero 24, ay ibinaba na ng korte ang desisyon na sumasang-ayon sa petisyon ni Ruffa.
Kaya masasabing legally single na ulit ang TV host-actress.
"Psychological incapacity" sa parte ni Yilmaz ang naging basehan ng korte sa pagpapawalang-bisa ng kasal nila na ginanap sa NBC Tent noong March 25, 2003.
Iginawad din kay Ruffa ang kustodiya ng dalawang anak nila na sina Lorin at Venice. Pero may visiting rights naman na ibinigay kay Yilmaz.
Kahapon, Pebrero 25, ibinulalas ni Ruffa ang kanyang damdamin tungkol sa panibagong yugto sa kanyang buhay sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, kung saan isa siya sa mga host.
Kasama niya sa show sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, Zoren Legaspi at Mr. Fu.
Ayon kay Ruffa, "Well, it is an emotional time. Actually, the annulment has been long overdue kasi I filed three years ago at ganun kahaba ang panahon na nilakbay ng kasong ito.
"Actually, ngayon lang ako naging emotional nung tinitignan ko yung VTR [na ipinalabas bago ang interview sa kanya].
"Kasi you know, siyempre may pinagsamahan kami, may dalawang anak kami.
"But I'm also relieved na we can both move on and I'm officially single again. I'm closing a chapter in my life and yet I'm opening a new chapter.
"I'm very blessed that God has given me another chance for happiness."
WISHING THE BEST FOR YILMAZ. Bagama't hindi direktang sinagot ni Ruffa ang tanong kung nagkausap na ba sila ni Yilmaz pagkatapos maibaba ang desisyon, may magandang mensahe pa rin si Ruffa para sa dating asawa.
"Actually, you know, kahapon lang [February 24] inilabas ng judge at ng lawyers ko sa publiko.
"But the day I left for Brazil [January 25], I already knew about it.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
29 nosebleeders
28 lanieguillen
27 michaelaangel74
26 michaelaangel74
25 gertrude
24 pearl102
23 pinaypay2
22 pinaypay2
21 ClawClown
20 ClawClown
19 ohmychika
18 hotnsexier
17 rhiann3
16 inggiteraparin
15 DamonSalvatore143
14 mccec65
13 beybong
12 syetedos
11 myrth
10 SimonLaplace1
more comments