Edgar Allan Guzman, who tied with Martin Escudero for Best Actor in the recent Golden Screen Awards, says he is ready to do sexy roles, ala-Coco Martin in the indie movie Serbis, now that he can now concentrate on his career after deciding to "separate" with live-in partner Jolan.

Photo: Melo Balingit

Usap-usapan lately na may problema sa relasyon sina Edgar Allan Guzman at SexBomb member Jolan.

Live-in na sila dati pero ngayon ay naghiwalay raw muna sila ng tirahan.  

         

“Naglilipat na po ako ng gamit. Babalik na po ako sa pamilya ko,” pag-amin ni Edgar Allan sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Golden Screen Awards kung saan naka-tie niya si Martin Escudero sa kategoryang Best Performance By An Actor In A Leading Role (Musical or Comedy).

        

LIE LOW. Ano ang dahilan at nagdesisyon silang itigil ang pagli-live-in?

        

“Uhm... para rin sa akin. Para rin sa career ko.

        

“And nakikita ko naman, iyon yung…‘pag nakalipat ako at nakabalik sa pamilya ko, mas magiging maganda ang takbo ng career ko.

        

“Nakapag-usap naman kami nang maayos.  

“And nagkaintindihan naman kami kung ano yung mga plano sa buhay.

        

“So siguro, eto na yung time para mag-grow kami. Kumbaga, magkaroon kami ng buhay sa bawat isa.”

       

Wala naman daw problema sa kanilang dalawa ni Jolan.

    

“Okey naman po kami. Kumbaga, sa lovelife, nag-lie low muna.

ako.  So ang focus ko po ngayon ay career and family.”

        

Sila pa rin ba?     

“Opo, kami pa rin. Three years na po ang relasyon namin.

       

“Mabait po siya at saka maalaga, and laging nandiyan para sumuporta sa akin.”

      

OUT OF FOCUS. But there was a time na nagkaroon ng isyu na nakakasagabal si Jolan sa growth ng career ni Edgar, na nawawala siya sa focus.

       

May insidente pa noon na hindi raw siya sumipot sa isang commitment dahil mas pinili niyang lumabas kasama si Jolan.

“Opo nga, e,” nangiting reaksiyon ni Edgar.

        

“Pero napatunayan ko naman po at na-explain ko naman na hindi naman po totoo yun. 

“Wala namang tao na gustong sumira sa magandang opportunity na dumarating sa isang tao.

         

“So, wala naman pong isyu.

        

“Kung nangyari man dati na parang nawalan ako ng focus sa career ko, hindi naman po dahil sa lovelife. Kundi sa sarili ko na yun, kumbaga.”

        

JEALOUS. Totoo bang nagagalit siya kay Jolan dahil sa pagiging selosa nito?

        

“Hindi naman po nabubuwisit o nagagalit. Kumbaga, lahat naman po ng tao nagseselos… kahit ako, e.”

       

Pero grabe nga bang magselos si Jolan?

        

“A… hindi po! Ngayon, hindi na po.

        

“Kumbaga, naiintinidihan naman niya lahat ng trabaho ko. 

“And iyon naman ang kailangan sa isang relasyon, e.

        

“Na magkaintindihan, huwag magselos, para hindi maging magulo ang relasyon ninyo.

        

“So, ngayon po, okey kami. Okey siya. 

“Naiintindihan niya lahat ng ginagawa ko.”

PRIORITY. Career daw ang gustong bigyan ng priority sa ngayon ni Edgar.

        

“Ginagawa ko ang best ko and bumabawi ako sa lahat ng projects.

         

“Gagawin po namin yung Part 2 po ng Ligo Na U, Lapit Na Me. 

“Meron na rin siyang bagong libro…

"Kung acting piece na naman ito for me? Sana… Hindi ko pa kasi nababasa ang script, e. 

“Ire-release muna yung bagong libro nito.

"Yung script, wala pa po silang ipinapabasa sa akin," saad niya.

        

DARING ROLES. Ready na ba siya sa mas daring pang role?

“Opo. Actually, may nagtanong na rin po niyan sa akin noong 2009…