Ngayong taon balak ni Zoren Legaspi gawin ang matagal na nilang planong pagpapakasal ni Carmina Villarroel.
Two years ago ay napag-uusapan na nila ang pagpapakasal, pero ngayong taon ay desidido na talaga si Zoren na matuloy ito.
Simple lang daw na kasalan ang balak nila at malalapit na pamilya lang ang magiging imbitado.
Aniya, "Hopefully, this year. Ini-schedule na lang namin.
"Hopefully, hindi dahil it's about time, pero dahil kung hindi pa mangyayari, tatagal nang tatagal."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zoren last February 18, Saturday, sa dressing room ng Paparazzi sa TV5 studio sa Broadway Centrum
Dagdag pa niya, "Hindi naman kami big wedding, civil lang, e.
"Hindi iyong magarbo, simple lang.
"I don't know... kasi imbes na gastusin mo sa magarbong wedding, maraming puwedeng puntahan pa iyong perang iyon, e.
"It so happens na si Carmina also, okay lang sa kanya iyong close family lang ang i-invite.
"Kasi mayroon namang mga babae talaga na ang pangarap, big wedding, e.
"Ako, suwerte naman ako dahil ang gusto niya ay simple lang din.
"Pero ang problema, ayun na, busy na naman si Carmina sa kabila," nakangiting sabi ng actor-director patungkol sa mga pinagkakaabalahang shows ni Carmina sa ABS-CBN.
Nasabi niyang pampamilya lang ang balak nilang kasal ni Carmina, pero may mga kukunin ba silang celebrities para maging ninong at ninang?
"A, I really don't know. Kasi, hindi pa namin napapag-usapan iyong details at saka wala pa namang date.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 paraquepa
10 milomilo123
9 chantalk
8 Kikay2011
7 topcop
6 jakar
5 mayumi1331
4 grazildachuvastra
3 ClawClown
2 rotoscaper
1 MissHugoBacungan